Chapter 18

27 7 0
                                    

A/N:

Thank you so much for the support!

Pasensya na po sa mga error. ✨

Please don't forget to vote ❤️

Si Julia asa baba 👇

XIAN'S POV

Naiirita ako kasi nakikita ko sa unahan ko si Julia na ang likot-likot. Pwede ko naman siya hindi pansinin pero kusa akong napapalingon sa kaniya kahit konting galaw niya lang. Muka kasi siyang ewan. Halatang bothered siya, parang ewan.

Tssss...

Iniwasan ko nalang mapalingon sa kaniya because she's getting annoying na. Nakakaasar ang paggalaw-galaw niya. Tanong siya ng tanong kay Jilliena, mukha namang hindi siya sineseryoso nung isa.

Nag-iwas nalang ako ng tingin. Napalingon ako sa bintana. Nagkataon naman na dumaan sila Ivan. Yung nakaaway namin sa detention room.

Mukang sawa na sa loob ng detention room ang loko.

"Hindi na muna pinapunta ng detention, wala daw kasing pinto." Si Limmuel. Napansin palang nakatingin ako. Hindi ko na pinansin.

Kaunting-kaunti nalang makakalampas na sana sila ng mga tropa niya pero huminto sa pinto ang loko at matalas ang mga matang inikot ng tingin ang classroom namin.

Bobo amputek. Ganda-ganda ng buhok ko hindi moko agad mapansin. Tssssss..

Ng magtama ang tingin namin ay ngumisi ako ng matindi saka siya kinawayan ng nakakaloko. Ngumisi rin siya saka muling iniikot sa classroom ang tingin.

"Anong kailangan mo??" Si Juan yon. Sa malapit sa pinto kasi siya nakaupo ngayon.

Binaba ni Ivan ang tingin niya sa bata saka nginiwian. "what do you care?" he mouthed.

Hindi na nakapagpigil ang malikot na bata at bigla nalang tumayo. "Teacher Noel, nanggugulo oh! Sinabihan akong gago!" sumbong niya sa teacher namin na nasa bandang likuran ko.

Noon lang siya napansin ng teacher at ng iba naming classmates including Julia. She looks surprised. Katropa narin kasi ni Ivan yung sinipa niya nung nakaraan.

Nagulat ako non pero dahil kapatid nga siya ni Lorenz hindi na ako nagtaka.

Binalik ko sa pinto ang tingin ko at masama na ngayon ang tingin ni Ivan kay Juan. OA naman yung bata na ngayon ay nakapwesto na para makipagsuntukan meron pa siyang maliit na towel sa balikat.

"What is going on there?" tanong ni Teacher.

Nilingon siya ni Ivan dahilan para muling magtama ang paningin namin. I raised my middle finger on him and he took my bait. He raised his too and the show began!

"Mr. Reyes!" Sir Noel shouted in dismay. "Go to the Dean's office now! I saw you raise your middle finger in the middle of my class!"

Ngumisi ako ng matindi at nakita ko paano manggalaiti sa galit si Mr. King of the Detention Room.

You messed with the wrong person, dude.

"WAHAHAHA!! DESERVED MO 'YAN! ANG PANGIT MO!" Palahaw ng batang nakatayo pa rin sa unahan. Hinarap niya ako saka tuwang-tuwa na nag thumbs up, he saw me. Nginisian ko siya.

Dahil sa nangyari ay umalis si Sir. Bitbit sa kaliwang tenga si Ivan. Kahit gaano ka ka-gago sa school na ito hindi ka mananalo sa mga teachers. Dati rin kasi silang gago. Liban nalang kung ako, ikaw.

Gwapo ka ba? Ako lang ang gwapo.

Umayos ako ng upo saka nag-inat ng mga braso. Nakakangalay na. Gusto ko ng umalis kaso baka wala pa akong attendance. Malalagot ako sa Dean pag nagka absent ako ngayong araw. Hehe Monday kasi kaya dapat perfect attendance ako.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon