JULIA AMARIS 'POV
Pumasok kami sa masikip na eskinita na dinadaanan nila Jin pauwi. Nabitawan ako ni Xian dahil makipot ang daan alangan mukha kaming tangang tatlo nila kuya.
Si Kuya ang nasa unahan, meaning siya rin ang unang tumakbo. Walangya ka kuya, may pa sparring sparring pa tayong dalawa, may pa training training ka pang sinasabi tapos ikaw pala itong unang tatakbo pag may gulo na.
One day, tutuktukan ko talaga ng hard 'to.
"Sandalii...pagod na ako!" humahangos kong sabi.
Nakinig naman si kuya at saka ako binitawan. Pare - pareho naming habol ang hininga ng mapahinto kami. Grabe pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sobrang pagod. Kinakabahan pa rin ako at napapaisip kung ano ng nangyari dun sa mga taong itim na tinahbuhan namin.
Halos suntukin ko ang dibdib ko dahil sa hirap paghinga at uhaw na uhaw na rin ako. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
"Tubig." kalbit ko kay kuya. Nilingon niya ako sandali at di rin nagtagal ay umalis at pumasok sa tapat lang namin.
Huminto kami ng pagtakbo sa harap ng isang convenient store. Namangha pa ako sa nilabasan namin dahil halos kalapit na kami ng market. Ang ganda ng vibe para kaming nasa lumang panahon. Panira lang yung mga linya ng kuryente. Ngayon pa lang ako nakarating dito.
"Langya, hindi na nila ako tatantanan."
Imbestigador ang peg.
"Ano ba kasing ginawa mo?" Si Xian na wala atang pinapakinggan.
Crush nga raw ng boss!
Pero hindi rin ako naniniwala na 'yon lang ang reason. Napakabobo naman nung boss na iyon kung ganon lang. Nasisiguro kong may iba pang rason at itong si Jin lang ang nakakaalam.
"Umamin ka na nga! Ano ba talagang ginawa mo?" Tinapik ko pa si Jin sa braso.
Langya, inulit ko lang tanong nitong isa e.
Dumating si kuya bago pa makapagsalita si Jin at inabot sa akin ang isang bottled water. Syempre bukas na 'yon, gentleman' to eh. Duwag nga lang. Binigyan niya rin 'yung dalawa.
"Bukas niyo na yan pag-usapan." biglang utos ni kuya. Hindi ko alam na narinig pa niya' yon. Tumango naman agad yung dalawa at parang nakahinga na ng maluwag.
Nangunot naman ang noo ko. "Bakit bukas pa, pwede naman ngayon na?" I stubbornly said.
"Tssss... Huwag ngang matigas ang ulo mo. Dumidilim na oh," tinuro pa niya ang langit. Si tanga naman ako, tumingala at sinilip yon. "Kailangan na natin umuwi." Dagdag pa niya.
Sinimangutan ko siya. "Bakit naman?" maktol ko pa.
"Hinahanap na sa mga bahay nila 'tong mga 'to." tinuro niya yung dalawa na agad naman nagsitanguan.
Imbento ka kuya, paano mo naman nasabi?
"May inuutos pa din sakin si Mommy." kamot ulong sabi ni Jin. Ang tingin ay nasa sahig. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o umiiwas lang sa pagsagot.
"May gagawin pa kami ng kapatid ko." tamad na sabi ni Xian na ngayon ay nakapamulsa na at parang hindi manlang napagod pag takbo. Nalingon ko naman siya agad.
Sinong kapatid? May kapatid siya?
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at bahagya naman siyang umatras." Anong pangalan ng kapatid mo?"
Nag-iwas siya ng tingin saka suminghal. "Tsh!" tinulak ko siya ng kaunti gamit yung bote ng tubig dahil parang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.