Chapter 28 - Villa II

24 8 0
                                    

A/N: Hello! Thank you for supporting this story. Pasensya na kayo sa mga error. ❤️



JULIA AMARIS 'POV

"Tatay, kuya.." tawag ko sa kanilang dalawa habang nagsasapatos ako. Kakatapos lang namin mag breakfast at parehas naman silang naiwan sa kusina.

"Oh?" sabay naman nilang sagot.

"Pupunta kami sa isang Villa sa Rizal kailangan naming mag-shoot ng isang documentary about lumang bahay or lumang establishments. Nagpapaalam lang ako."

"Ay sige, hindi naman aring hindi ako papayag." usal ni Tatay na sinadya pa akong puntahan sa salas habang hawak ang sponge na panghugas ng plato.

"Natulo naman tay oh!" turo ko sa mga butil- butil na tulo ng tubig sa sahig.

"hehe" tawa niya lang saka nagmadaling bumalik sa kusina.

Maya-maya ay tumabi sa akin si kuya at nag- sapatos na rin. Sabay kaming aalis ngayon dahil may pasok siya samantalang napag-usapan naman namin ng mga kaklase ko na sa tapat ng carinderia ni Manang Puring kami mag hihintayan.

"Alam mo galing narin ako sa Villa na 'yon when I was at your age." panimula niyang kwento.

"Oh?" komento ko naman.

"Nakakatakot don." seryosong aniya. Ngumiwi naman ako. Ano na namang trip nito?

Nakita niya akong walang paki kaya naman huminto siya sa ginagawa at hinarap ako.

"Totoo ang sinasabi ko! May babaeng nagpaparamdam doon sa second floor!" seryosong - seryoso niyang kwento.

Nag salubong ang kilay ko saka siya siniringan. "Lokohin mo ang lelang mo!" singhal ko saka tumayo at bumalik sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang muling sumigaw.

"HINDI AKO NAGBIBIRO, HUWAG KANG TATAAS NG SECOND FLOOR!"

Salubong ang kilay ko habang naglalagay ng pin sa palda ko. Medyo luwag na kasi. Effective ang diet kahit puro cheat day. Kailangan raw kasi na naka-uniform kami sa video kahit extra lang ako ro'n. Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos na kami pareho ni kuya kaya naman umalis na rin kami pagka-paalam kay tatay.

" Maniwala ka sa akin. Nagparamdam nga sa amin yon ng mga kaklase ko." kwento pa niya habang nasa daan kami.

Nakamot ko ang ulo ko sa inis. Desidido talaga siyang mangtrip ngayon. Wala namang kapani-paniwala sa kwento niya dahil hindi naman siya yung tipo na takot sa multo at isa pa sinong maniniwalang may multo! Tsk.

" Oo na.. Oo na.." pagsuko ko.

Bahagya siyang natawa. "Sige huwag kang maniwala. Umakyat ka mag-isa dun sa second floor non."

"Tsh."

Hindi talaga siya na kuntento na hindi ko pinapaniwalaan ang sinasabi niya hanggang sa makarating kami sa parking lot ni Xian at nasakto rin namang dumating ang loko.

"Hoy, Xian!" tawag sa kanya ni Kuya.

Ayos friends friends!

Tinunghay siya ni Xian pero agad din niyang nilipat sa akin ang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay, ngumiwi naman siya at muling binalik sa tropa ang tingin.

"Pupunta raw kayong Villa sa may bandang Rizal?" usisa ni kuya. Umikot ang mata ko dahil ayaw niya talaga papigil.

"Bakit?"

"Huwag kang tataas ng second floor non, may babae ro'n na nagpaparamdam!" pananakot ni kuya.

Tumawa naman si Xian bago maglakad palapit sa amin. "Kahit ligawan ko pa siya." pagyayabang pa nito.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon