JULIA AMARIS 'POV
Wednesday na ngayon kaya sobrang kabado na talaga ako. Ngayon na kasi kami sasayaw nila Xian. Alam ko namang magiging okay lang ang performance namin dahil nag-practice naman kami.
Isa pa, I had the strictest dance teacher!
Nasa open field na nga kaming lahat. Hindi naman ni- require na pumunta lahat ng students kaya hindi ganoon karami ang mga tao. Hininhintay nalang ang ibang mga student athletes and other school representatives bago simulan ang event.
"Is there something wrong? You look bothered." Bulong sa akin ni Xian. Magkatabi kami sa upuan kasama sila Juan at iba pang backup dancers namin.
"Huh? Oo, kinakabahan ako eh. Hindi ako komportable parang hindi naman kasi bagay sa'kin 'tong suot ko." Bulong ko rin sa kanya.
Pinilit niyang iharap sa akin ang katawan niya at hinarap niya rin ang katawan ko sa kanya. Habang hawak niya ako sa magkabilang balikat ay diretso niya akong tinitigan.
Matagal niya akong tinitigan bago pa siya magsalita." Ano bang iniisip mo? Na pangit ka? Hindi bagay sa'yo kasi pangit ka?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. "Kung pangit ang tingin mo sa sarili mo, ano pang tingin mo sa ibang tao? Kung ang definition mo ng pangit ay ang sarili mo, gaano kababa ang tingin mo sa physical appearance ng ibang tao?" Mas lalo niya pa akong tinitigan kaya parang bumaon sa buto ko ang mga sinasabi niya. I get what he's trying to say pero hindi ganon kadaling maniwala.
Sinasabi niya na kung pangit ang tingin ko sa sarili ko,
" I think I need to get some fresh air. "
" You've been a nobody for so long that's why your confidence is falling. If you put you're beauty standards so high and treat yourself like the ugliest person in world when in fact you're the prettiest here, I don't know what to say anymore. I suggest you go to the mirror and see your own reflection. Mirrors won't lie to you. " Aniya at minuwestra ang daan paalis.
Saglit ko pa siyang tiningnan bago tuluyang umalis.
" Where are you going? " tanong pa sakin nila Ninay pero tinuro ko nalang ang daan papuntang Cr.
Habang daan ay iniisip ko ang sinabi ni Xian. May point naman siya hindi ko nga lang matanggap. My physical appearance is not bad. I know that but maybe it's the status of my life, the one that's dragging me down.
Flashback ~~
6 years ago....It was our Christmas party. I was too excited for such event. I was grade four and it was my first time to attend our Christmas party. Noong mga unang taon kasi ay mas pinipili kong mag celebrate ng Christmas sa orphanage that I was once lived in. Kaya super excited ako at ganon din si kuya at tatay. Binilihan pa nila ako ng bagong damit at sapatos para sa party pero pagdating ko sa school.
"Why is she wearing that? It's not fitting her!"
"Is she trying to get attention?"
" Where did she get that dress?! I want that too!"
Pagdating sa school halos palibutan ako ng lahat ng mga batang nakakita sa akin. May iba pa nga na gustong hubarin sa akin ang suot kong damit. Mabuti at may batang lalaki na tumulong sa akin. Yun ang unang beses na nakita ko siya rito sa school at ayun din ang una at huling beses na nag-attend ako ng Christmas party dito sa school.
End of flashback~~~
The world is not kind, it is quick to judge especially to us poor and unpriviledged. Magsuot ka ng hindi kagandahang damit huhusgahan ka. Magsuot ka naman ng maganda at presentable sasabihan kang feelingera, magastos at maluho. Hindi na alam kung saan lulugar dahil kahit saan may magsasalita at huhusga sa'yo. Hindi naman sana ganito kababa ang confidence ko kung hindi dahil sa mga tao sa paligid ko.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.