JULIA AMARIS ' POV
Kung ako lang masusunod ayoko talaga pumasok dahil friday naman na. A-absent nalang sana ako kasi wala na rin naman pasok tomorrow pero napilitan pa akong pumasok dahil bukod sa may papansin, feeling close na daig pa boyfriend ko sa pagsundo sa akin eh may nagsabing may practice din daw kami ngayon para don sa performance na itatanghal namin probably next week.
Halos nakalimutan ko na ang about do'n, masyado ako nagpaka-kampate!
Mula kanina pang umaga ay tanong na ng tanong 'tong si Xian kung ano daw pipiliin naming kanta para sa dance performance namin. Hindi man lang muna tinanong kung marunong ba ako sumayaw!
"Eto kaya, Vibe?"
Napa side-eye ako sa sinabi niya pero hindi ako nag pahalata. Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin, trip ko lang.
Favorite ko' yan eh!! Jiminshiii!!!
"Oh baka ito gusto mo?" aniya pa at pinatugtog ang Shoong! by Taeyang ft. Lisa.
Nag-hum pa siya habang nagp-play ang kanta.
Favorite ko din 'yan, kaya alam ko rin kung gaano kahirap steps nan. Lalisa ba naman, huhuhu!! Inis kong naisandal ang sarili sa upuan ko. Bawal na ba mag back-out? Nilingon ko ang palibot ng classroom namin sa pag-aakalang matatagpuan si Samantha sa paligid kaso wala siya. Ni anino ni Samantha bibihirang tumambay dito sa classroom namin tuwing vacant time namin.
"Ano ito nalang ba?" muling tanong ni Xian.
Tiningnan ko siya dahil wala naman na akong ibang choice. Hindi rin naman niya ako titigilan. Habang nakangiti siya sa akin ay serysoso naman akong nag salita. "Gusto ko 'yan pero hindi mo man lang ba muna ako tatanungin kung marunong ako sumayaw?"
Saglit siyang natawa. "Marunong ka man o hindi, no choice ka kung hindi mag-aral at mag-practice." mahinahong aniya.
Ngumiwi ako saka sinandal ang ulo ko at pumikit. Narinig ko pa siya ulit tumawa pero hindi ko na lang pinansin. Sino ba kasi may sabing pumayag ako dito?!
"Ano may napili na kayong kanta?" si Ninay ang nagtanong at sure ako kahit hindi ko tingnan. Galing silang cafeteria, hindi na kami sumama ni Xian dahil nga sa letseng kanta na 'yan.
"Oo, Shoong!" sagot naman ni Xian.
Hindi parin ako nagmumulat ng mata hanggang sa may bigla akong nalanghap na burger sa ilong ko. Nagmulat ako at natagpuan ang burger malapit sa ilong ko. Nilingon ko si Ninay at ngiting-ngiti lang naman siya sa akin. Lumapit siya sa mukha ko at saka bumulong.
"Galing kay Gian." bulong niya sa akin at inginuso pa ang kulay green na fruit tea sa mesa ko.
Automatic akong napangiti at kinuha ang burger na hawak niya at saka mabilis na nilantakan 'yon. Taka lang akong pinanood ni Xian. Hindi ko alam kung natatakam ba siya sa kinakain ko o nandidiri siya sa paraan ng pagkain ko.
Wala akong pakialam!
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay lumapit si Jin at nagsalita, "Dahan-dahan parang may aagaw sa' yo ah!" aniya.
Puno ang bibig ko siyang nginitian at saka binigyan ng peace sign. Nginiwian niya ako bago abutan ng fruittea na nasa table ko lang din.
"Matakaw." dinig kong bulong ni Xian. I gave him a death glare na parang wala namang epekto sa kanya.
"Oyy Xian! so, totoo nga talagang may girlfriend ka na?" biglang tanong ni Ninay na nanggulat sa lahat at halos mabulunan pa ako sa sobrang pagkabigla.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.