Chapter 15 - Picnic

29 10 7
                                    

A/N:

Thank you so much kung nakarating ka sa part na ito! ❤️

Sorry sa lahat ng errors, you can correct me naman if I'm wrong.

Anyway don't forget to vote and share! ❤️

Lablatssss❤️❤️

JULIA AMARIS 'POV

Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko may ibang meaning yung sinabi niya. Double meaning! Hindi siya palaaral pero ang hirap lagi intindihin ng sinasabi niya. Madalas pa ako i-reverse psychology!

Nanatili akong nakatitig sa kaniya samantalang patuloy lang din siya sa paglamon. Oo paglamon! Kung ano-ano na kasi ang hawak niya. May doughnut sa kanang kamay, may pizza sa bibig at chuckie sa kaliwang kamay. Kakaubos niya lang din ng pringles!!

Muka na siyang hamster! Oh Hoshi, ikaw pala yan?

Hindi ko na talaga siya gets.

Kanina mukha siyang yelo sa sobrang cold ngayon mukha na siyang tanga sa sobrang takaw!

May mental disorder ba itong tao na 'to?

Aba hindi na siya normal! Hindi naman masama kung hihingi siya ng help sa mga mental health practitioners. Oh baka naman naduduwag siya, ayain ko kaya. Ipapaconfine ko na siya o kaya ipapadetain ko na.

"Hoy! may sakit ka ba? mental health problem ganon?" walang preno kong tanong. Nahinto naman siya sa paglamon at saka dahan-dahan akong tinunghay.

Alam kong bawal mag diagnose lalo't hindi naman ako professional pero kasii.. Kawawa naman siya baka hindi niya lang napapansin kasi sarili naman niya yan e.

Napalayo ako ng konti ng bigla na lang siyang ngumiti. Creepy! Devil smile!

"Ano ba?!" nahampas ko na naman siya!

SADISTA KO!

Binitawan niya agad ang hawak niya saka ako hinampas ng sobrang lakas! Kaliwa't kanan!!

Bakit dalawa?

"Araay!! Punyemaas ka! Ano bang problema mo?" himas ko na ang dalawa kong braso habang mangiyak-ngiyak at masama ang tingin sa kanya.

NAKALIMUTAN KO NA NAMAN NA NAGANTI SIYA!

"Naka-kadalawa ka na eh! Sinabi ko naman sayo na pumapatol ako sa babae!" parang bata niyang usal saka nagpatuloy sa paglamon.

Alangan naman sa lalaki, edi bakla ka!

Hindi ako makapaniwala.

Naiiyak talaga ako sa hapdi. Hindi nawawala ang hapdi kahit hinihimas ko na. Kelan ko na ata ng yelo para icompress dito.

MAY SALTIK SIYANG TALAGA!

KUMAG!

SADISTA!

BALIW!

MAY SANIB!

" Maghintay ka lang at papadasalan kita balang araw." bulong ko na sadya ko namang pinarinig sa kanya.

Wala lang sa kanya dahil lumalamon parin siya. Kahit ata sabihan ko siyang bakla hindi siya magrereact! Mas mahalaga sa kaniya ngayon ang pagkain kesa sa dignidad niya.

Hindi pa nga ako pumapayag na sumama siya sakin dito tapos wala rin akong matandaan na pwede niyang kainin ang mga pagkain ko.

Feeling close talaga ito!

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon