Chapter 22

25 5 0
                                    


JULIA AMARIS ' POV

Hindi talaga matatapos ang gulo. One after another. Jusko naloloka ako! Sana hindi ko nalang nilabas sa mundo ang sarili ko. Nakakabaliw na e.

Minsan naiisip ko kung ganito ba talaga dati pa o dahil may ugok lang akong nakilala.

Free meal daw para sa mahihirap.

Ayun ang naririnig ko mula sa lahat. Masaya naman sana kaso bakit parang may ibang dating diba?

Sino namang hunghang ang mamimigay ng free meal for mahihirap sa international school na ito? Yung totoo!

Walang iba, sino pa ba? Edi mga section one na daming alam sa buhay.

Halos pagdikitin na naman ang mga kilay ng mga kaklase ko. Syempre lead by none other than...... Xian Medrano, the newly elected president of fourth year class 7. Hindi ko nga lang alam kung gaano siya katagal uupo sa pwesto ngayon.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang table sa Cafeteria at lumalamon ng free meal donated by Section One. Nasa isang Styrofoam iyon at sama-sama ang kanin, ulam, fruits and desserts. Kulang na lang gawin namin tong bibimbap e!

Inabutan nalang kasi kami bigla ng mga staff ng cafeteria pagkapasok palang namin. Hindi raw nila kami pagbebentahan dahil may free meal nga raw para sa lahat ng section 6 and 7. Kaya ito, lumalamon kami ng free featuring lait at sama ng loob.

Kasama ko 'yung tatlo kasama sina Juan, Samantha and Limmuel. Tahimik lang kaming nakain dahil as dakilang tsismosa, ang sarap makinig ng tsismis lalo na't ikaw ang topic.

Muka na naman daw kaming basurero at basurera. Oo nga't hindi kami sinumbong sa Dean about dun sa nakaraan na ginawa namin pero kalat na kalat naman sa social media. Sobrang daming memes ang nagkalat dahil sa video na iyon. Ultimo real names ng mga kaklase ko ay naandon.

At isa pa, topic rin nila yung nangyari sa room namin kanina. Kung bakit kasi nakalabas kaagad eh sa room naman namin yon nangyari. Kasalanan 'to for sure ni sexy first at mga alipores niya.

Mataba, panget, baduy, mahirap, mukhang basahan, basagulera, bobo, hampaslupa, mangkukulam, manggagayuma at attention seeker.

Ako lahat yan ha!

Natatawa na lang ako although hindi ako sanay kasi dati hindi naman nila ako napapansin. Kung dati hinihintay ko si Gian dumating parang ngayon dinarasal ko na wag muna siyang magpakita sa akin.  Nagkita nga kaming kaninang break time, bigyan daw ba ako ng cheesecake at drinks sa harap ng maraming tao! Grabe yung kilig pero grabe ding panlalait natanggap ko.

"Huy, pagkain pa rin 'yan kumalma ka nga." usap ko kay Xian dahil idouble, triple dead niya na yung pork adobo sa pinggan niya.

"Nag-iisip ako kung paano sila papatahimikin."

"Huwag mo ng subukan. Walang sagot diyan." Tamad na sagot ni Ninay.

"Eh kung magwala tayo?" Syempre si Juan yan.

"Sige, mauna ka." Bespren niyang si Limmuel.

"Hindi ngayon. Maybe tomorrow." Si Xian at nilingon namin siya lahat. Nakangisi na siya at pinanggigilan pa rin ang pagkain niya. Pagkatapos ay bigla nalang siyang tumawa ng.... Sobrang lakas.

"HAHAHHAHAHAHAH!!!"

Napalunok nalang ako sa kahihiyan. Kanina pa naman kami pinagtitinginan at pinagke-kwentuhan pero kasii lalong nakakahiya pag ganitong may kasama kang bruha kung makatawa.

Paano ba magpatahimik ng hamster?

Condition ko kaya?

"Ano na namang iniisip mo?" tamad kong tanong.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon