Chapter 32

21 7 0
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Bago umuwi ay dumaan muna kaming Jollibee para dito na mag hapunan pare-parehas. Halos pagtulungan naming lahat buhatin si Xian para lang mapa-payag na kumain sa Jollibee. Ibang klase ang taong' to hindi halata pero nuknukan pala ng kaartehan sa katawan.

Masyadong hiyang sa luho at yaman, nakakaasar kasama.

"Pampatagal amputek." Singhal ni Jin.

"ANO?!" sigaw ni Xian. "Pag na-allergy ako dito kakasuhan ko kayo!" dagdag pa niya.

Pare-pareho kaming umiling. Nuknukan siya ng katangahan. Hindi pa raw kasi niya na-try na kumain dito kaya hindi daw siya sure kung anong magiging reaction ng katawan niya. Napaka dami niya pang sinabi at hindi ko na inintindi pa.

Dumating ang order namin at nagsimula na rin kaming kumain. Yung isa ay nakatingin lang at parang hunghang na inaaral ang mga pagkain sa harap niya. Masama rin ang tingin niya sa akin dahil ako ang nagyaya na dito nalang kami kumain.

Nag - crave ako eh, bakit ba?

"Huwag ka ng mag-inarte diyan, yung lutong bahay nga namin kinakain mo hindi ka naman naa-allergy." paliwanag ko sa kanya.

Parang napaisip naman siya pero hindi nawala ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi nagtagal ay dumampot siya ng isang chicken, inamoy niya muna iyon bago pa tuluyang tikman. Kunot na kunot ang noo niya habang ninanamnam ang chicken sa panlasa niya. Maya-maya pa ay namilog na ang bibig niya at saka mata. Namamangha siya sa chicken na hawak niya. Para kaming mga tita at tito niya na nanonood sa kanyang lantakan ang sandamakmak na chicken joy.

"Masharap palaaa." aniya pa na puno ang bibig.

Hamster siguro 'to nung past life niya.

"Ang dami mo kasing arte sa buhay." asik ni kuya sa kanya na kalapit ko lang.

"Kawawa ka naman, ngayon ka lang nakatikim ng ganito?" puno ng bibig na tanong ni Juan kay Xian. Nilingon siya nung isa saka buong pusong tinanguan. "Ganito araw-araw ang pagkain ko eh! Nagsasawa na nga ako." pagmamalaki pa niya.

"Talaga?!"

"OO! SA AMIN 'TONG BRANCH EH!" tuwang-tuwa pang aniya.

Totoo ba?

Napanganga ako sa gulat at kurap-kurap na tiningnan siya. Ang lahat sa table namin ay hindi narin nakagalaw dahil sa gulat. Sa pagka-dramatic ni JD, nabitawan niya ang hawak niya at saka walang habas na sinakal si Juan.

" Eh bakit nagpalibre ka pa, inyo pala 'to?! Inuutakan mo ba ako ha, bata ka?!" nanggigigil na aniya.

Pinanood lang siya ni Xian at hindi man lang nag-abalang tulungan yung bata. Si Kuya ang nagtanggal ng pagkakasakal ni JD sa bata. Hirap na hirap namang huminga yung isa.

" Ang brutal ng pagkakasakal mo, sinaksak mo sana agad ng tinidor!" asik ni kuya. Hindi ako makapaniwala.

"Hindi ko naisip eh."

"Hehehe!" tawa pa ng batang hunghang habang kamot ang ulo niya. "Mas masarap ang libre eh."

"Tama ka naman kaya nga pumunta ka ron at ikaw ang manlibre!" Sigaw pa ni JD habang tinuturo ang counter.

"Damihan mo!" habol pa ni Xian puno ng chicken ang bibig. Chicken lang ata ang plano niyang kainin.

"Pakibilisan." dagdag ni Jin. Nasa pagkain ang tingin.

Tumayo si Juan at saka buong galak na nag-salute sa amin. "My pleasure, your Honour's!" aniya at saka parang ROTC na naglakad papuntang counter.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon