Chapter 19

37 8 0
                                    

A/N:

Thank you guyssss, sooo muchh! ❤️

Sorry ulit sa mga error. 😀

Picture ni Samantha nasa baba. 👇

Please don't forget to vote, comment and share . ❤️


JULIA AMARIS 'POV

NAGUGUTOM NA AKO AT WALA NA RAW MAIHAHAIN ANG CAFETERIA!!

Ngayon lang' to nangyari.

Paano kami kakain!

Buti sana kung pwede kami lumiban ng kabilang campus ang kaso bawal! College students lang ang pwede pumarito sa amin pero kapag my special pass ka lang. Walang ganon dito dahil binabawalan ang mga highschool na pumunta sa tertiary except nalang kung may important event doon na invited kami.

Mas lalong bawal kami sa primary dahil magiging bad influence lang daw kaming mga highschool sa mga bata doon.

Ngayong ubos na ang pagkain at wala kaming pwede bilihan na iba, saan kami kakain?

May cafe nga sa loob pero sarado naman ngayon. Ngayon pa talaga, oo! Nice timing!

Sure akong may nangyayaring kababalaghan.

Bumalik na kasi si Yohanne. Tsss.....

"Paano na tayo?" walang gana kong tanong.

Nanatili kaming nakatayo sa may entrance. May iba pang nakain sa loob pero hinarang na nila kami dahil wala naman na daw kaming makakain.

"Tsh."

Pare-pareho kaming na-alarma ng biglang maglakad papasok si Xian. Alam kong iba na naman ang iniisip niya. Hindi ko alam pero wala akong lakas na pigilan siya ngayon dahil gutom na ako. Bahala siya kung manggugulo siya or what. Makikinabang din naman ako kaya bahala na.

"Anong gagawin niya?" Si Jin.

"Ngayon mo lang makikita ang topak niyan kaya manood kang mabuti." Si Ninay.

Naglakad si Xian diretso sa counter hanggang sa loob non. Sure akong papasukin niya hanggang kitchen. Walang pumigil sa kaniya dahil yung kaisa-isang gumawa ay hayun at nasa sahig na. Tinulak na niya kasi.

" FVCKKKKK!! "

Sigurado akong si Xian 'yon. Sa sobrang lakas kahit galing pa sa loob ng kitchen ay rinig na rinig namin. Ako ang naaawa para sa eardrums ng mga staff doon.

"Cool."

Nilingon ko si Jin.

"Cool mo mukha mo. Gulo yan for sure."

"Okay lang yan, si Xian naman siya. Isa siyang Medrano kaya magiging okay lang ang lahat." Si Ninay na wala pa ring tigil kalalaro. "OH!! Why hindi nalang tayo magpadala sa kuya mo ng food?" dagdag pa niya. Hindi na ako nagulat sa suggestion na yan dahil ang ikinagulat ko ay ang biglang pag-ubo ni Jin.

"Napapano ka?" tanong ko. Sinenyasan niya lang ako ng okay lang.

"Nabanggit lang si Kuya nagkaganyan ka na." dagdag ko pa. Ngumiting pilit ang loko. "Hindi natin maasahan si kuya, may major exams daw kasi sila ngayon."

Pare-pareho na lang kaming naghintay kay Xian. Malakas na buntong hininga pa ang ginawa namin. Tatawa-tawa naman ang ibang mga students sa loob.

Pinagtatawanan ba nila kami?

Nangunot ang noo ko ng may ilan pa sa kanila ang sinadyang itapon sa sahig ang ibang mga pagkain. Nananadya sila.

"Hays, busog na ako. Ayoko na nito."

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon