JULIA AMARIS 'POV
Habol ang hininga naming tatlo ng makalabas kami pabalik sa terrace na kinakainan namin. Sa sobrang takot ay hindi ko na maalala kung papano kami nakalabas. Nanginginig ako sa takot. Grabe hindi ko alam na horror house pala' to. Ibang field trip ito.
Kahit na gusto kong tawanan 'tong dalawa kong kasama ay hindi ko magawa. Almost 6 footer ang height pagkatapos ay mauuna pa pala sa takbuhan pag usapang multo na, walangya kung hindi nila ako hinila sa braso ay naiwan siguro ako sa loob. Pakiramdam ko tuloy may ilang segundo sa buhay ko ang hindi ko maalala.
Ubos ang tubig ko dahil pinaghatian na nilang dalawa hindi man lang ako inalok. Nag-ring ang phone ko at nakita sa screen na si Ninay ang tumatawag. Hindi ko na sinagot dahil alam kong pinapababa niya lang ako.
Inaya ko na sila kaya bumaba na kami pare-parehas. Habang daan ay hindi ko mapigilan na maglakad- takbo. Pakiramdam ko kasi may nanonood pa rin sa amin. Hindi nagtagal ay pare-pareho na kaming tumatakbo pababa sa malawak na hagdan. Hindi ko alam kung inaasar lang ba nila ako o ano.
Taka kaming sinalubong ng mga kaklase ko. Dapat pala ay tataas din sila pero natigilan na ng makita kaming tumatakbo pababa. Hingal na Hingal kaming huminto sa harap nila. Hiyawan at impit na iritan ng mga babae ang una kong narinig. Nagulat sila kay Gian. Si Ninay naman ang unang lumapit sa akin.
"Bakit naman kailangan pang tumakbo at bakit niyo kasama ang gwapong nilalang na iyan?" nginuso niya si Gian. Nag-iwas naman ng tingin yung isa.
Noon ko lang tuloy napansin na mas gwapo nga naman pala siyang tingnan pag hindi naka-uniform. Mukha siyang badboy na artistahin. Sobrang cool nga niya, lalo tuloy akong nainlab.
" Nakita lang namin sa taas, kasama niya classmates niya pero diba umalis sila? Iniintay daw niyang bumalik." paliwanag ko kung bakit namin siya kasama. Tumango naman siya, kontento na.
" Bakit naman kayo tumatakbo?" tanong niya ulit.
Nilingon ko yung magpinsan. Kagat labi silang nag-iwas ng tingin, napapalunok na rin dahil halatang-halata sa mga Adam's apple nila. Tuloy ay lumalabas na naman ang pagkakapareho nila.
" M-May ano... " Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Sa halip na magsalita ay nakagat ko ang ibabang labi ko. Noon ko lang na realize kung gaano nga talaga nakakatakot ang nangyari sa amin. Napapakamot ako sa ulo at napapatingin sa baba't taas. Hindi ako makahanap ng lakas ng loob na magsalita. " M-May aano.."
"May ano ba?" nauubos na pasensyang tanong ni Ninay. Hindi makaghintay sa isasagot ko.
Hinawakan ko siya sa dalawang braso at tiningnan direkta sa mata. "May multo." diretso kong sabi. Napamaang siya saka ako malakas na tinampal sa noo. "Aray!"
"Maayos ang tanong ko!" angil niya.
"Seryoso ang sinabi ko!" maktol ko naman. "Kahit tanungin mo pa sila!" tinuro ko ang dalawa kong kasama. Nilingon naman niya iyong dalawa at naghintay ng sagot.
Umiling lang sila at hindi nagsalita.
"Huy diba?!" tanong ko sa kanila.
Tiningnan nila ako at parang alam ko na agad na may ibang tumatakbo sa utak nila. "Wala.. Nangjo-joke time lang 'yan." Seryoso sagot ni Xian.
Nagsalubong ang mga kilay ko at saka ako sarkastikong tumawa. Para iligtas ang sarili sa kahihiyan ay nagawang magsinungaling ng mga loko. Akalain mong magkakasundo nalang sila ay sa pagsisinungaling pa.
Nilingon kong muli si Ninay at nakangiwi na siya sa akin. Parang hinuhusgahan niya ako by the way she's looking at me. Inambaan pa niya ako ng batok pero umakto akong sasanggain iyon.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomansFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.