Chapter 51

26 5 2
                                    

JULIA AMARIS ' POV

Pagkauwi sa bahay dinatnan ko nalang na nag-iimpake ng gamit sila tatay at kuya. Hindi lang sila dahil katulong nila sina Xian pati na ang bunso nilang kapatid na si Kayl.

Wala man lang nag-abala na huminto sa kani-kanilang ginagawa para pagtuunan ako ng pansin. Para lang akong hangin na nararamdaman nila pero hindi nakikita.

Parang ang sarap manapak ng kapamilya ah?

Isang beses ko pa silang nilingon pero si Xian nalang ang naiwan na nakatingin sa akin. Sa itsura niya ay mukha siyang nakakita ng multo sa sobrang gulat. Laylay ang balikat at parang binagsakan ng buong mundo sa sobrang tamlay.

I assumed dahil sa buhok ko kaya siya nagkakaganyan. Nakipagtitigan ako sa kanya at hindi manlang ako nakaramdam ni katiting na pagsisisi kahit na parang hinahampas-hampas na ang dibdib ko.

Nauna siyang mag-iwas ng tingin. Siya kasi ang nandun sa may wall namin at siyang pinaglalagyan ng nga litrato at iba't-iba lang nakasabit sa wall.

Inalis ko narin ang tingin sa kanya at muling nilibot ng tingin ang paligid. Tinuktok ko ang katabi kong lamesa para kunin ang atensyon nila dahil nakakahiya naman dahil wala ata silang balak na kausapin ako.

Lahat naman sila ay nilingon ako pero ang pinaka nag effort sa lahat ay si Kayl. May dala-dala pa siyang tray na may laman na pitser at baso. Mukhang timplado pa ng buko juice ang dala niyang inumin.

"Ate oh, masarap 'to." nakangiting alok sa akin ng bata. Ilang beses pa ako kumisap bago abutin ang baso na hawak niya. Nakatitig lang ako sa ngiting-ngiti niyang mukha habang umiinom. Kamukha niya si Luffy ampt.

"Ano pang kailangan mo?" tanong ko dahil mukhang may iba pa siyang pakay.

"Gusto ko din." nakangiti parin niyang sabi. Napangiwi nalang ako.
Nalimutan kong matakaw siya.

Inabot ko pabalik ang pitser sa kanya pero mukhang baso ko rin ang gagamitin niya kaya naman binigay ko narin sa kanya pabalik. Napansin ko na parang wala na namang pakialam sa akin yung iba kaya naman hindi ko narin sila inabala na tawagin.

"Ano bang nangyayari dito?" tanong ko kay Kayl.

Inubos niya muna ang nilalaklak niyang juice bago ako sagutin. "Nag-iimpake sila." Sagot niya. Sumama ang mukha ko. Gusto ko siyang kaltukan. Napakawalang kwenta naman ng sagot niya.

"Don't state the obvious! I'm asking what exactly is happening here? Saan kami pupunta bakit nag-iimpake?" iritable kong tanong.

Ang dating kasi sa akin ay mukha kaming maglilipat ng bahay dahil sa ginagawa nila at wala akong kaide-ideya.

"Aalis na kasi kayo dito. Lilipat na kayo sa hahay namin, doon na kayo titira kasama namin." Sagot ng bata.

Naiwan akong nakanganga sa sinabi niya. Ni hindi pumasok sa makitid kong utak ang narinig kong sinabi niya. What the heck is happening to this boring life of mine?

Never been ever imagined I'll be this thrilled. Just what the heck?!

" Bakit?" wala sa sarili kong tanong.

"Huh?" Narinig pala ni Kayl.

"Why?" Baling ko sa kanya. "Bakit daw kami lilipat sa inyo?"

"What? I don't know either. Maybe because you're my ate now? Xian and you are now engaged, right?" inosente niyang sabi.

"Julia, pack your things na para mapadali na tayo dito" Si kuya 'yon.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon