Chapter 53 - PICTURE

22 5 2
                                    

JULIA AMARIS ' POV

Hindi ko akalaing ganito ako magdurusa ngayong araw.

Grabe ang haba ng lakarin!

Mula sa kwarto ko hanggang sa main gate ay para akong nag marathon. Napakalayo pala ng distansya mula sa kwarto ko ng gate!

' Letse! '

Hindi ko pa mahagilap si kuya, hindi naman sumasagot sa text ko. Hindi ko alam kung pumasok ba o nagta tumbling diyan sa kung saan.

Lintek pa ang inabot ko matakasan lang si Denver. Kung saan saang pasilyo na ako sumulpot.

"Hays, kapagod!"

Malakas ang binuga kong hangin sa sobrang pagod. Nakapamewang pa ako sinisilip ang magarbong mansyon. Hindi ko alam kung maze ba 'to, kastilyo o cathedral. Sangkatutak na pera siguro kinaylangan dito bago natapos.

Pero sa mga maggagawa ako naaawa.

Hindi ko nalang pinagmasdan dahil nahihilo ako sa sikat ng araw. Nagsabi ko kay tatay na aalis ako at pupunta kila Ninay. Nasa office din naman daw siya at maagang umalis kaya hindi na siya nakapag-paalam kanina.

Gusto ko sanang malaman kung saan ang puntod ng nanay ko pero sarado naman daw yung sementeryo ngayon kaya hindi ko muna mapupuntahan. May malawakang renovation daw at next week pa ulit io-open kaya hindi na ako nagpumilit na puntahan.

Atleast alam ko na kung saan pupuntahan...

Papasama ako kay kuya dahil hindi ko alam kung saan exactly ang location.

Bakit nga pala ako pupunta kila Ninay ngayon? Wala lang, may tatapusin lang kaming school work. By partner yon at syempre partner kami. Nakakahiya kasi na hindi pumunta, ngayon na nga lang ako makakatulong.

Tsaka pinag-iisipan ko pa rin kung sasabihin ko na ba sa kanya lahat ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya, alam ko namang isesecret niya lang din 'to kaya kung masabi ko man mamaya, siguro okay lang naman.

Nakatayo ako ngayon sa may labas ng gate. Hinihintay ko yung driver ni Xian, ihahatid daw kasi ako kila Ninay. Pumayag na ako kesa mag-inarte pa ako, eh, ang layo-layo ng labasan. Halata kasing walang pampasaherong nadaan dito sa loob ng subdivision.

Baka nga bilang lang ang taong pwedeng maglabas at pasok dito.

Habang naghihintay ay parang may kakaibang pakiramdam akong naramdaman. Para akong may nakakalimutan na bagay. Hindi ko maalala pero feeling ko mahalaga.

Hmmm... Ano kaya 'yon?

Ikakapahamak ko kaya kung hindi ko na yon maalala?

~Prit... Prit....

Nag-vibrate naman ang phone ko sa kabila ng pag-iisip ko kaya kinuha ko yon sa may bag pack ko.

Si Ninay pala.

Nag text siya na agahan ko daw sa call time para makaabot pa ako sa lunch time.

Nireplyan ko na lang ng okay.

Kung nasa bahay ako malamang nakahilata pa ako ngayon pero dahil two hours ang byahe papuntang JIS, eh, heto ako ngayon at naghahanda na sa pag - alis.

Hanga ako sa mga tao dito na dun pa pumapasok, ang tagal ng byahe araw-araw.

~Prit... Prit....

Nag vibrate ulit.

Hindi ko na kinuha dahil alam kong si Ninay lang yon. Baka nagreply lang ng 'Okay, ingat.'

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon