JULIA AMARIS ' POV
__________Javier International school_________
Nasa school ako ngayon at nakikipagtitigan sa exam paper ko. Sumasakit ang ulo ko at ang atensiyon ko ay napupunta lang sa pag masahe sa mga sintido ko. Hindi ko kasi na-review ng maayos ang subject na' to.
Math kasi!! I hate math, nakakaubos ng brain cells!!
Hindi ko na talaga alam ang isasagot kaya kinagat ko nalang ang ballpen ko. Isa pang iniisip ko ay kung totoo nga kayang may stalker ako.
Pero sino naman hunghang ang magkakainteres sa akin?
Kahit ganon, hindi talaga mawala sa isip ko dahil tuwing umaga pakiramdam ko may sumusunod sa akin papasok ng school.
Wala akong maisip na rason para magkaron ako ng stalker!
"Last 5 minutes!" sigaw ng teacher namin.
I immediately turned my face in front. I let out a long breath.
Power of C, hehe!
Paniguradong lagot nanaman ako kay kuya pag nalaman niya 'tong mga ginagawa ko. Pero kasi, wala naman na akong ibang choice. Mahirap pilitin ang utak kung wala naman talagang laman.
" Okay class, pass your paper. " ito na ang hudyat ng pagbagsak ko.
Tamad kong binitbit ang exam paper ko saka ipinasa sa proctor namin.
Siguro ay babawi nalang ako next exam!
Kaso sinabi ko na rin pala 'yan nung nakaraan.
Huhuhu!! Hindi na talaga ako magc-college!
" Napapano ka na naman diyan? "
" Ninay, bagsak na naman ako! " kunwari ay umiiyak kong usal.
" Ayos lang 'yan,' di ba' t expected naman na 'yan! " she said as she wink at me. I immediately glared at her.
Nawala ang emote-emotan ko at napalitan iyon ng masamang tingin kay Ninay. Ito' yung bespren ko na kahit kailan hindi ata ako nagawang imotovate, lagi akong demotivated pag ito ang kasama.
" Kakahiya naman sa'yo, akala mo papasa ka? Hoy! Parehas lang tayo na kung hindi bagsak! PASANG- AWA! "
" You're so mean! I never been pasang-awa kaya. " she said raising an eyebrow pero tumawa din siya agad bago muling magsalita. " Tara na nga lang sa cafeteria. "
Malaking ngiti ang namutawi sa mukha ko. Nakangiti kong binalingan si Ninay, dito naman siya pinakamagaling, ang manlibre.
" Libre mo ba? " tanong ko kahit na alam ko namang manlilibre talaga siya. Inuntog ko pa ang balikat niya.
" Ayy kailan ba hindi? Grabe na, ang bata-bata ko pa may palamunin na ako! " aniya na akala mo hinahigh-blood.
" Maka-palamunin ka naman. Slight lang! Wahahahaha!! "
" Eesh bwiset! Tara na nga! "
Lumabas na kami ng classroom. Nagsasaya na at mga nagdidiwang ang ibang students. Last day na kasi ng exam namin.
Sa lahat ng week sa buong taon ay ito ang pinaka-ayaw ko, ang exam week!
" Uy ayun 'yung crush mo oh! " Kulbit sa akin ni Ninay at inginuso ang kanang direksyon ko. Mabilis ko namang nilingon ang direksyon na inginuso niya. My eyes sparkled when I saw him.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.