JULIA AMARIS ' POV
Nakakainis talagang 'tong bakulaw na'to!
Palibhasa mas matanda siya sakin, sinasamantala na. Kung makautos, wagas.
Lunes na lunes, bini bwisit ako. Panira ng araw!
" Bakit naman nakanguso ang baby ko ha? " Mapang-asar na guyo sa akin ni kuya.
Inirapan ko lang siya saka itinuloy ang pag-aayos ng pagkain niya. Inutusan niya akong ipaghanda siya ng pagkain dahil madaling-madali na siya.
" Okay na. " Usal ko at saka siya inirapan. Ang lakas kasi makapang-asar ng mukha niya. Siya 'yung tipo na tingnan mo palang, kahit buhok palang ang nakikita mo, naiirita ka na.
Ang lakas kasi topakin, minsan sweet, minsan strict, tas pag wala siya sa mood ang hirap i-approach. Madalas naman napaka-OA. Daig pa babae sa bilis magbago ng mood. Lalo na nitong mga nakaraang buwan, hindi ko malaman kung over protective lang o overacting. Akala mo mag-aasawa na ako dahil napakarami niyang sinasabi at gustong matutunan ko.
" Salamat baby! "
" Kumain ka na agad dahil mal-late ka na. Mauuna na ako sa'yo! " usal ko saka siya muling inirapan. Tumawa lang siya at tumango.
Hindi na kami nagsasabay na pumasok sa school ni kuya dahil syempre malamang, college na siya! Although same school lang kami ng pinapasukan. BS Civil Engineering ang course niya at 2nd year na siya. Noong una hindi ko maintindihan kung paano niya nasusurvive lalo na ang bayarin pero kaluanan nalaman ko nalang na wala siya ni pisong binabayaran sa school. Akala ko hanggang highschool lang ang scholarship namin, hindi ko alam na hanggang college pala.
Ang yaman siguro ng sponsor namin!
" Ba-bye Kuya!! Isara mo ang bahay ha. " paalam ko saka diretsong labas ng bahay.
Hindi ko alam kung bakit umalis ng maaga si tatay. Hindi din niya nasabi kung saan siya pupunta at hindi ko rin naman naitanong. May sikreto na talaga.
" Ingat baby! I love you! " dinig ko pang sigaw niya mula sa loob.
" Tse!! "
Narinig ko lang siyang tumawa pagkatapos ay wala na, napangiti na lang ako. Kahit naman moody siya at mahirap intindihin, he's really is the sweetest brother ever.
Binagalan ko ang paglalakad papuntang school dahil pinakiramdaman ko ang paligid ko kung nay kasunod na naman ba ako. Pero nabigo lang ako dahil wala naman sumusunod sa akin.
'Baka napa-praning lang ako!'
Nagmadali nalang ako sa paglalakad papuntang school. Mga ilang minuto na lang din kasi at siguradong late na ako. Masungit pa naman ang teacher namin sa first class.
Sana may iba pang estudyanteng late din, pampalubag-loob!
Halos takbuhin ko ang front gate ng school. Saktong isang minuto bago ako saraduhan ng gate. Buti nakaabot ako.
Huminto ako para lingunin pa ang gate na unti-unti ng nagsasara. Tipid pa akong nangiti ng makitang may iba pang humahabol papasok. Pero sa lahat ng humabol pagpasok ay may katangi-tangi akong nakita.
Very familiar! Sino siya?
Karamihan ng humabol na pumasok ay mga kalalakihan kaya naman walang pakelam sa isa't-isa ang mga loko.
Habang nakahinto sa aking kinatatayuan ay kapansin-pansin ang lalaking naglalakad papalapit sa akin habang matama pang nakatingin sa akin. Medyo nakakatakot siya kung tutuusin dahil kung nakakamatay lang ang titig, dead on the spot na ako.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.