Chapter 36

27 7 0
                                    

JULIA AMARIS ' POV

Nawala ang takot ko ng huminto kami sa tapat ng Jollibee. Hindi niya ako dinala kung saan kaunti lang ang tao kaya naman nabawasan ang kaba ko at nag pahila nalang sa kanya ng tuluyan. Actually may hunch akong kilala ko siya. Pamilyar kasi ang paraan ng paghawak niya sa kamay ko.

"Bakit ba mag-isa ka?" bigla ay tanong niya, ngayon niya lang rin pinakita ang mukha niya.

Tinanggal niya ang hoodie niya at tinuyo ang sariling pawis. Halos basa narin ng pawis ang buhok niya kaya naman bagsak na iyon. Namumula-mula narin ang mukha niya at sigurado akong ganon na rin ang sakin. Barefaced siya at mas maganda pa ata siya kesa sakin.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka sweatpants siyang grey, naka slippers lang siya na black pero ang brand non for sure ay mamahalin mukhang Versace ang tatak, naka jacket siya na black pero binuksan niya ang zipper kaya nakita ko na naka dirty white siyang sando panloob na basa narin halos ng pawis kaya naman kumapit na iyon sa kurba ng katawan niya. Napalunok ako ng magtama ang tingin namin.

"Anong ginagawa mo?" taka nang tanong niya.

Nag-iwas akong ng tingin ng mata lang ang gumagalaw. Napalunok ulit ako at noon ko lang naramdaman ang uhaw. Ng muli ko siyang tingnan ay salubong na ang mga kilay niya. Napalunok ulit ako kahit parang mauubo na ako sa sobrang tuyot ng lalamunan ko.

"Ayos ka lang ba, bat hindi ka nagsasalita?"

Tumikhim ako bago sumagot. "A-Ayos lang, na-nauuhaw ako." utal-utal kong sagot.

Sandali pa niya akong tinitigan bago muling hilahin but this time marahan na. Pumasok kami sa loob ng Jollibee at nakaramdam naman ako ng kaginhawaan. Nabawasan ang init ng pakiramdam ko pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi. Hawak na naman kasi ni Xian ang kamay ko. Binitawan niya lang ako ng mag-order kami.

Matapos mag order ay naupo kami. Sa second floor kami nakahanap ng pwesto dahil puno na sa baba. Naunang iserve ang water dahil ni-request niya. Agad naman akong uminom. Napangiti ako ng maramdaman ang ginhawa sa lalamunan ko.

Sumandal naman siya sa upuan at nagcross-arms habang matamang nakatingin sa akin. Patay malisya naman akong nilibot ng tingin ang buong lugar. Ang daming tao, ang ingay-ingay. Hindi nagtagal ay kusang bumalik ang tingin ko kung nasan siya. Nagtama ang tingin namin at halata sa kanya na may gusto siyang sabihin o itanong kaya naman pinangunahan ko na.

" Bakit ka ba nandito? Huwag mong sabihing inutusan ka na naman ni kuya para sundan ako? Bat ba sunod-sunuran ka don, bayad ka ba?" tanong ko sa kanya.

Alam kong imposible yung sa part na bayad siya dahil wala naman kaming pera pero kataka-taka naman talaga pagiging masunurin niya.

" Baka naman uto-uto ka lang ? " dagdag ko pa bago siya sumagot.

Parang inis naman siyang nagkamot ng ulo. Hindi ko alam kung galit ba siya, pikon o ano. Hindi ko siya mabasa ngayon, parang iba 'yung aura niya at isa pa expressionless na naman siya.

" Nag-aano ba ang tao sa sementeryo?" panimula niya. "Ikaw, bakit mag-isa ka? Aware ka man lang ba na may sumusunod sayo?"

Bat kasi nagtatanong ka ng obvious, Julia?

Bahagya lang akong napanguso. "Aware ako pero kanina lang nung pagkalabas ko galing sa loob. " sagot ko ng ayos.

Parang hindi naman siya naniwala sa mga sinasabi ko. Tamang hinala na naman 'to. Tiningnan niya ako na para bang inaaral at pinag-iisipan kung maniniwala siya sa akin o hindi. Ano bang meron at panay ang titig ng mga tao sa mukha ko?

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon