Chapter 27 - Villa I

33 8 0
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Naglalakad ako ngayon pauwi ng mag-isa pero alam kong may nakasunod sa akin. Hindi naman niya tinatago na sinusundan niya ako kaya halatang - halata siya at isa pa, nag-text si kuya na ipapahatid niya ako sa taong' to. Hindi ko siya nililingon o pinapansin man lang dahil papangatawanan ko ang sinabi ko kanina.

Malapit na kami sa parking lot na ni-hire niya personally and that only means na sa wakas ay mawawala na siya sa paligid ko. Kahit na may dance performance pa kami na dapat paghandaan ay hindi ko na muna yon iintindihin dahil malayo-layo pa naman yon. Hindi rin ako mag a-approach sa kanya dahil hihintayin ko siyang mag-initiate na kausapin ako.

Lampas na ako sa kotse niya kaya nagmadali na akong maglakad. Aaminin ko komportable akong maglakad pauwi dahil andiyan lang siya. Pero ngayong mag-isa na ako, I think kailangan ko ng bilisan ang paglakad. Hindi ko na nilingon kung nakaalis na ba siya o ano dahil sigurado naman akong sasakay na siya sa kotse niya at uuwi na.

Mabilis na ang mga hakbang ko at mas malaki na compare kanina pero ramdam ko pa rin na may sumusunod sa akin. May pakiramdam akong kakaiba at hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Natatakot ako sa pwede kong makita.

Am I being followed?

Mga ilang hakbang pa ang ginawa ko bago humugot ng lakas ng loob lingunin kung may sumusunod nga sa akin.

"Waah!"

Sa gulat ay nanlaki ang mata ko at bahagya kong naitampal sa bibig ko ang kamay ko. Nagulat din naman siya at natigilan ring kagaya ko. Inosente siyang nakatingin sa akin at naghihintay lang ng sunod kong gagawin.

"Bakit andito ka pa!"

" You're walking like a duck. "

Nanlaki ang mata ko at bahagya pang naitagilid ang ulo ko. Gusto ko siyang bulyawan at patulan sa panglalait niya pero hindi ko na lang ginawa. Hindi ako makikipaglokohan sa kanya.

" Bakit nagmamadali ka? " dagdag pa niya.

Hindi ko na siya sinagot at sa halip ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hindi ko binago ang bilis ng hakbang ko ganon na rin ang laki niyon. Hindi na ako nag effort na icheck kung nasa likod pa siya dahil obvious naman.

Na-appreciate ko ang pagsunod-sunod niya sa akin pero kapag pauwi lang. Hinihiling ko na sana ay hindi na siya lumapit pa sa akin pag nasa eskwelahan kami.

Nakarating na ako sa tapat ng bahay namin at sandali akong huminto bago tuluyang pumasok. Nilingon ko siya at ganon pa rin ang itsura niya. Nakapamulsa na nga lang siya ngayon. Desidido akong hindi siya kausapin pero bastos naman kung hindi ako magpapasalamat.

"Thanks." tamad kong usal. Inangat lang niya ang kanan niyang kamay saka tipid na kumaway sa akin. Wala ni anong ekspresyon ang mukha. Nginiwian ko nalang siya saka ako tumuloy sa pagpasok.

Tinalo niya ako sa katipiran.

Inis akong naupo sa sofa ng hindi hinuhubad ang kahit ano kong suot. Ang bag ko ay nasa likuran ko parin. Ang sapatos ko ay suot ko parin. Pumikit ako at hinayaan ang sarili na makatulog.

****

Hindi ko na nagawang bumangon at mag hapunan kagabi. At kalam ng sikmura ang gumising sa akin ngayong umaga. Nadatnan ko nalang rin ng breakfast ko sa mesa kadikit ang note ni kuya.

"Kumain ka muna bago pumasok. Umalis na kami ni tatay dahil may kailangan kaming puntahan. Bilisan mo ang kilos dahil pinasundo kita kay Xian." basa ko sa note.

Kumunot ang noo ko at nagsubong ang mga kilay.

"Ano ba ito si kuya at kailangan pa ako ipahatid - sundo dun sa tao? Boyfriend ko ba 'yon! Tsh!"

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon