JULIA AMARIS ' POV
Natapos ang klase namin sa umaga at umalis na ang teacher namin. Tahimik ang buong klase dahil medyo awkward ang aura. Nagsisipag-handa na ang lahat para lumabas at pumunta ng cafeteria.
"Aba sasama ka ngayon?" tanong sa akin ni Ninay. Tumango lang ako.
Lumapit din sa amin si Jin ganon din si Xian. Hindi ako makahinga pag ganito sila kalapit sa akin. Pakiramdam ko naso-suffocate ako pero baka dahil lang sa naglalaban-laban nilang pabango.
Si Ninay na lang ang hinihintay namin ng biglang magkagulo sa labas ng room namin. Nagmamadaling pumasok sa pinto ng classroom namin si Juan at diretsong lumapit sa amin. Pawisan na siya dahil sa pagmamadali.
"ATE JULIAAAA!! XIANNNN!!!" tawag nito sa amin.
Hinintay namin siyang makalapit. Ano na naman kayang kalokohan ang nagdala dito sa batang 'to?
"SILA RONA, PATAAS DITO!!" Malakas niyang sigaw.
"Hala bakit?"
"Ano na namang nangyari?"
"Bakit daw?"
"Dito ba pupunta?"
"Wala naman tayong kasalanan ah!"
"Ano ka ba ang OA mo! Baka sa iba pupunta! " singhal ni Ninay kay Juan.
"Hindi ko alam, binalita ko lang." kamot ulo ng usal ni Juan at inambaan siya ng batok ni Ninay.
Nagkatinginan kami ni Xian dahil may palagay kaming dito ang punta niya.
Naalala ko ang nangyari kaninang umaga. Siguradong hindi niya 'yon papalampasin. Tumaas siya dito para sa amin. Kinakabahan na ako.
" Sinong Rona? " tanong ni Xian. Hindi pa nga pala niya kilala si Rona by her name. Nanlalaki ang mata namin siyang nilingon. Taka naman siya sa naging reaksyon namin. "Bakit?" tanong niya ulit.
"President ng student council!" malakas na sagot ni Juan, nakangiti pa at nakataas ang hintuturo.
Patay tayo diyan.
"Oh? Anong nangyari sa kamay mo?" biglang tanong ni Juan at nakaturo siya sa kamay ni Xian. Taka naman iyong tiningnan ni Xian.
"Ah ito ba? Wala. May sinuntok lang akong lamok." aniya pa.
Natampal ko ang noo ko at dalawang kamay na minasahe ang sintido ko. Mababaliw na ata ako. Napakagulo. Nakalimutan ko si Rona ng panandalian dahil sa nangyari kanina ganon din si Yohanne. Grabe, hindi ako makapaniwala na umaga palang at lunes pa ang dami na agad nangyayari.
Maya-maya ay nakarinig na naman kami ng ingay but this time dahil na iyon kila Rona. Nilingon namin ang pinto na papasukan nila ng mga kasama niya. Mataray, taas ang kilay at puno ng kapangyarihan siyang nag tuloy-tuloy sa pagpasok sa classroom namin. Naalarma ang lahat, lalo na ako.
" Bakit dito?" tanong ni Ninay. Hindi ko siya nagawang sagutin.
"Hala dito nga!"
"Sinong pakay nila?"
"Anong nangyayari?"
"May ginawa ba tayong masama?"
"Anong kailangan niyo?" salubong sa kanila ni Samantha.
"Shut up, I don't need you!" mariing sagot ni Rona. Nilampasan niya lang si Sam at nagsihinto naman sa may pinto ang mga kasama niya.
Dire-diretso siyang naglakad palapit sa amin. Huminto siya ilang hakbang ang layo sa amin at nag cross-arms. Taas ang isa niyang kilay habang sinusuyod kami ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomansFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.