Chapter 9

31 10 0
                                    

XIAN'S POV

Ngayon ay palabas na kami sa front gate ng school.

Tatlo kami nina Julia. Siya sa gitna pagkatapos nasa kaliwang side niya naman ako at nasa kabila naman si Jilliena.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami, hindi ko kayang makipagsabayan sa kaingayan nila.

Maingay talaga silang dalawa, hanggang ngayon kase ay nagtatalo pa din sila tungkol sa lakad na ito.

Kakain lang naman kami. Is that a big deal?

Pakiramdam ko ay ayaw ko na sila isama, mukhang maririndi ako sa dalawang 'to.

Nakarating kami sa lugar na tinutukoy ko. Nauna akong pumasok at maupo, hindi ko na tinanong kung anong gusto nila sa halip umorder na ako bago pa sila makapasok.

"Madamme! limang order nga po ng kanin, special Goto, letchon'g paksiw, samahan niyo na din pala ng kare-kare and 3 serves of salad. Samahan niyo na ng special Halo-Halo for dessert." Order ko kay manang na palagi kong kinukuhanan ng order. "Oh! Pati pala family size coke! Faster! Faster!" Biro ko pa habang kinakalampag ang lamesa.

"Okay, Senyorito!" Sadyang kabisado na ni manang kung paano makisabay sa mga trip ko.

Maya-maya ay nasa loob na din sina Julia at mababait ng nakaupo ng ayos at tila nahihiya na silang magtalo kaya nanahimik na.

Sa wakas naman ay tahimik na.

Maya-maya ay bumulong si Jilliena. "Hoy, mura lang ba talaga mga pagkain dito?"

Sandali pa akong natulala sa kaniya, sandali lang nga pala kung manatiling tahimik ang babaeng 'to. Akala ko ay kung ano ang ibubulong niya.

"Oo, bakit?" Nakangiwi ako.

"Pag nakikita namin 'to akala namin high class carinderia. Mukang sosyal kasi yung lugar."

"May nalalaman ka pang high class carinderia. Rich kid nga kuripot naman! "

Nagsalubong agad ang nga kilay niya tulad ng palagi. "Ang dami mong sinabi!" Angil niya. "Basta libre mo 'to huh! Siguraduhin mo lang, baka mamaya takbuhan mo kami." Talagang naninigurado siya.

T-takbuhan? What nonsense!

Napangiwi na lamang ako. Hindi ko na alam paano makikipag-usap ng mapayapa sa kanila.

I don't even know what's inside their head.

"Uy Julia, punta lang akong restroom ah! Bantayan mo 'yang tukmol na 'yan, hindi natin alam kung ano talagang tumatakbo sa isip niyan." Paalam ni Jilliena sa kaibigan.

Napakamot nalang ako sa ulo. "Magre-restroom lang, ang dami pang sinasabi." I murmured.

"Ano?"

"Wala." Napipilitan kong sagot pagkatapos ay lumayas na siya.

Napatingin ako kay Julia na matamang nakatitig sa akin habang naka cross-arms. Actually, kanina ko pa siya napapansin na nakatitig sa akin, ano naman kayang iniisip neto?

Bahagya ko siyang nginisian bago ako nagsalita.

"What are you looking at? Naiinlab ka na nanaman?" Pang-aasar ko agad.

Bahagya lang siya na napangiwi at 'di manlang nagsalita o umapela. Hindi man lang rin nagbago ang pwesto at itsura niya.

I'm starting to get annoyed.

Bigla akong natahimik. Hindi na ako makapag-isip ng susunod na sasabihin. I don't want to offend her, so, I better be silence.

Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin. I can't stare at her. She's giving off an uncomfortable feeling.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon