JULIA AMARIS 'POV
Quarter to 7:00pm na nang makauwi kami. Halos mabalian ako ng buto kakasayaw. Hindi rin kami iniwan nina Jin at Ninay kasama ng iba naming mga kaklase. Sa totoo lang uuwi na sana si Ninay mga bandang 6:00pm pero biglang dumating si Kuya kaya naman mapagpanggap na nag stay ang luka-luka.
Hindi na ako hinatid ni Xian dahil kasabay ko naman si Kuya, sumabay lang siya sa amin hanggang parking lot niya. Magkita daw kami ngayon dahil pupunta kami ng I-mall para makabili ng costume namin. Sabi ko mag-PE uniforms nalang kami kaso sabi niya ayaw daw niyang mapagkamalang baliw.
Ang daming arte!
10:00 am
Matapos ko maglaba ng uniforms namin ni Kuya ay naligo narin ako at naghanda na ng sarili para aalis na lang pagdating ni Xian. Nagtaka pa ako ng makitang nagre-ready rin si Kuya, naisip kong may pasok lang siya pero sasama pala siya sa amin. Natuwa naman ako dahil ayoko rin mag-isang pumunta kasama lang si Xian.
"Tara na!" sigaw sa akin ni Kuya matapos ang sunod-sunod na busina mula sa labas ng bahay.
"Tsss..."
Wala akong kahit anong dala kung hindi cellphone. May dala akong cash pero nilagay ko nalang sa likod ng case ng cellphone ko. Instant wallet pero pag nawala ang cellphone, wala na rin ang pera!
Nagulat pa ako at natigilan ng makita ang pamilyar na sasakyan sa labas. Hindi nga ako nagkamali dahil ng buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Mula backseat hanggang driver's seat. Sasakyan 'to ni JD, at nandito rin si JD.
"Hi!!"
"Good morning melabs!"
"Good morning crushiecake!"
I rolled my eyes in annoyance. I swear to God this will not just be a simple journey. Bibili lang ng susuotin napakadami pang asungot!
Squad ba' to ng mga ugok?
"Bakit nandito kayo lahat?" tanong ko ng makaupo.
"Kasi wala kami sa labas." tamad na sagot ng kung sinong walang matinong ambag sa buhay ko kundi gulo, pasakit at problema.
"HAHA funny." I sarcastically replied.
"Thanks!"
Gusto kong pisilin ang mukha niya hanggang sa lumuwa nalang ang mga mata at dila niya. Kakasura!
"Bakit nga andito kayo??" inis kong baling kina Ninay at JD. "Nagsama pa kayo ng asungot." turo ko kay Juan na nangangain ng mansanas sa likod.
"Guards kami." sagot ni JD.
"Pwede bang kayo lang magd-date?!" Palahaw naman ni Ninay.
Natampal ko na lang ang mukha ko. Anong date ng sinasabi ng babaeng 'to?! Sinulyapan ko si Xian na nananatili lang sa pagakaka-crossed arms niya, nakapikit at walang pakialam.
"Let's go!!" sigaw ni kuya ng makasakay.
Nawalan na lang ako ng pag-asa ng mag carpool pa sila. Ginaya ko na lang si Xian at pareho kaming walang pakialam sa ingay at kaguluhan.
Sa totoo lang hindi naman na kailangan pa mag kotse 20 minutes na lakarin lang naman nasa mall na kami, ewan ko ba talaga sa mga taong-gubat na 'to kung saan nanggagaling mga ganitong trip sa buhay.
Gaya ng sabi ko malapit lang ang mall kaya naman wala pang mga 15 minutes ay nakarating na kami. Nauna kaming bumaba dahil magpapark pa si JD. May alloted parking area naman na siya dahil VVIP sila ng mall na 'to.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.