A/N:
Thank you so much, everyone!!
Sorry sa mga error and please don't forget to share and vote! ❤️
Thank you!!
Julia Amaris' POV
Nang makalabas kami ng detention room ay abot-abot na ang kaba ko.Natatakot ako na baka mapagalitan kami lahat. Nakakatakot ako na mapahiya sa harap ng maraming tao.
Pero sa kabila ng takot na nararamdaman ko, parang balewala lang sa mga kaklase ko ang nangyayari.
Natural kagagawan nilang lahat 'to e!
"Huy! Intay sabi!"
Iniiabot ko ang kaliwa kong kamay kay Ninay para mahatak ko din at hindi siya maiwan. Hanggang ngayon kasi ay hila-hila ako ni Xian.
"Idol, kita nalang tayong cafeteria!" Sina Juan na nauna ng magsitakbo.
Hindi namin sila pinansin, ewan ko lang kung sumenyas si Xian.
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay nasa amin ang atensyon ng lahat, hindi dahil sa tumakas kami sa detention room kundi dahil sa magkawak naming kamay ni Xian.
Alam ko kasi na kahit pa mukang addict itong tukmol na 'to, sikat pa din dahil gwapo!
Nakaramdam na ako ng hiya gusto ko ng bawiin ang kamay ko, pero alam ko naman na hinihila niya lang ako para mabilis na kaming makarating ng cafeteria. Ayaw niya lang ng mabagal.
Maya-maya pa ay nakapansin ako ng isang pamilyar na tao.
Nagulat ako ng maaninaw ko ang taong 'yon na akmang sasalubong sa amin.
Si Gian!
Walang salitaan na mabilis kong hinila ang kanang kamay ko para mabitawan ako ni Xian. Nagulat siya sa ginawa ko.!
Bakit mo naman 'yun ginawa, Julia?!
Natural ayaw kong makita kami ni Gian na magkahawak kamay!
"Aray naman! Magsabi naman kung hihinto!" Asik ni Ninay matapos mauntog sa akin.
Pare-parehas kaming natigilan ng unang mapahinto sa paglakad si Xian.
Nagtataka niyang tinignan ang kamay ko, iniiangat pa niya ang tingin niya sa mata ko pagkatapos ay ibinaling naman niya ang tingin niya sa harap namin.
Nakakagulat din na nakahinto si Gian. Malamang dahil nakita niya si Xian na palagi niyang kaaway.
Sandali kaming natahimik, hanggang sa maunang magsalita si Ninay. "Hoy? Ano na?" Wala talaga siyang pakiramdam. "Oh! Hi Gian!" Tila ngayon niya lang napansin si Gian.
Hindi ko alam kung kanino ko ba dapat iiwas ang tingin ko. Parehas silang nakatitig sa akin.
Bakit nila ako tinititigan?!
Naiilang na ako kaya naman tinulak ko na si Xian habang nakatago ako si likod niya. Tiningnan ko lang sandali si Gian ng malampasan namin siya.
Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ni Ninay at nagpaiwan pa siya.
Ng makalayo na kami ay sinabayan ko na sa paglakad si Xian.
"Nakakapagod." Hinihingal pa ako habang nagsasalita.
"Kaano-ano mo ba 'yon?"
Nilingon ko si Xian na blangko lang ang ekspresyon at maangas ng naka pamulsa ang parehong kamay.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.