JULIA AMARIS ' POV
Naalimpungatan ako dahil siguro sa sama ng loob. Sinilip ko ang orasan at nagulat nalang ng makita ang oras. 4:40 palang ng umaga.
Hindi pa nagsisimula ang araw ko, napapagod na ako.
Paano ba naman kasi alas dose na ata ako nakatulog. Hinintay ko kasi ang text o kaya tawag ni Gian, wala namang dumating kahit isa.
Nakakaasar kang lalaki ka!
Bumangon ako at lumabas ng kwarto. 4:50 palang kaya ako palang ang gising. Uminom muna ako ng tubig bago muling bumalik sa kwarto. Pagkahanda ng uniform ko ay pumasok narin ako agad ng banyo para maligo na. Iidlip nalang ulit ako pagkabihis. Masyado pa kasing maaga.
Bat nga ba naligo agad ako? Dapat natulog muna ako ulit.
Matapos ang sandaling pagligo ay mabilis akong nagbihis. Mag 5:30 na. Maya-maya kakatok na si Kuya, pag kumatok na siya tutulog ulit ako.
Tok. Tok. Tok.
"Gising na!" Sigaw ko.
Hindi naman siya sumagot kaya naman matapos ibutones ang last button ng blouse ko ay nahiga ulit ako. Gigising ako after 1 hour.
****
Inis akong nagmulat ng mata ng may kung sinong humahampas ng unan sa akin. Marahan lang naman pero paulit-ulit kaya nakakairita. Mabilis akong bumangon kahit na pikit pa.
"Ano ba kasi?!" Sigaw ko sa kung sino.
"Late na tayo."
Napatayo ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses niya. Nilakihan ko pa ang pagkakamulat ng mata ko para masigurong siya nga. Nakaupo siya sa isang mono block na galing sa dining table namin. Baliktad ang mono block dahil nakapatong sa sandalan noon ang dalawa niyang braso at sa braso naman niya ang mukha niya.
"A-Anong ginagawa mo dito?!!" malakas kong tanong dahil putek nasa loob siya ng kwarto ko.
"Ginigising ka, hindi ba obvious?" pilosopo niyang sagot.
"That's not what I mean! Ibig kong sabihin ay paano ka nakapasok dito?!"
"Dumaan sa pinto!"
Natampal ko ang aking noo dahil sa inis. Nakakayamot ang taong 'to ah. Umagang-umaga bat ba nandito' to. Nanlisik ang mga mata ko siyang tiningnan. Nakaramdam naman siyang naiinis na ako kaya umalis na siya sa pagkakasalampak sa upuan at tuwid na tumayo sa harap ko.
"Hehe.. inutusan ako ng kuya mo. Gisingin daw kita pero huwag akong lalapit at huwag kitang hahawakan." matino niyang paliwanag.
Medyo hindi na ako nagulat.
"KUYA!!!"
Inis akong lumabas ng kwarto at hinanap si Kuya. Natulala na lang ako ng makitang wala ng tao sa labas. Wala ng tao sa buong bahay bukod sa aming dalawa ni Xian.
Seriously? Iniwan nila ako ng may kasamang lalaki at pinapasok pa sa kwarto ko?
Hindi na ako makapaniwala sa pagiging kampante nila.
Inis akong bumalik sa kwarto ko at nakita doon si Xian na nakatayo pa rin sa kanina nyang pwesto. Hindi ko naman siya pinansin sa halip ay inayos nalang ang mga gamit ko. Nasilip ko ang orasan ko at 4 minutes na lang bago mag 7:30. Late na nga kami.
"Promise, hindi kita hinawakan o nilapitan!"
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Dapat lang dahil kung ginawa mo 'yon, hindi ka na sisikatan ng araw bukas." banta ko. Ngumiti naman siya ng sinsero.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.