JULIA AMARIS 'POV
"Wow!! Hooohhh!! Cosplayer oh, mga ninja ng konoha!!" sigaw pa niya habang ang cellphone ay nananatiling nakatutok sa mga taong itim. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya, natural talaga sa kanya ang ganyang ugali, yung mapipikon ka na lang sa mga pinaggagagawa niya.
Na alarma ang lahat ng mga naka-itim. Bagamat dalawa lang ang mada-dagdag sa bilang namin ay nakakabahala naman talaga ang makuhaan ka ng video at kung sasamain ka ay kung totoong naka-live pa.
Si Kuya ay naglalakad lang na akala mo walang pakialam, hindi mo kakikitaan ni katiting na interes at ang may saltik naman na si JD ay tuwang-tuwa sa trip niya sa buhay.
" Tigilan mo 'yan." matapang at matigas na utos ng lider ng mga naka-itim.
Ngumuso si JD bago magsalita. "Okay." aniya saka bunulsa ang phone niya. Isip bata talaga. "Na-save ko naman, kunin niyo kung gusto niyo." nakangisi ng aniya.
Matapos itago ni JD ang cellphone niya ay ngumisi siya saka sinenyasan ang mga kaharap niya na sugudin na siya. Mabilis siyang sinugod ng tatlo sa mga lalaking naka itim. Naghanda kaming lahat para tulungan sana siya pero ang tatlong sumugod sa kanya ay kinakaya-kaya niya lang nagmukhang mga mangmang ang mga taong itim na sumugod sa kanya. Parang hindi man lang siya nahihirapan sa halip ay nakangiti pa siya at enjoy na enjoy.
Ang una ay sinipa ni JD sa sikmura tapos malakas na siniko sa bandang ibaba ng batok pagkatapos ay hinawakan sa braso at malakas na pinahagis sa damuhan. "Weak!" Ang sumunod naman ay sa mukha niya unang sinapak pagkatapos ay hinila sa damit saka tinuhod sa sikmura. "Gutom ka ba?" Yung pangatlo at nag-iisang may hawak na baseball bat ay malakas niyang sinipa sa tiyan dahilan para mapahawak ito sa tiyan niya at pagkatapos ay pwersahang inagawan ng baseball bat ni JD at ipinukpok iyon sa likod nito ng magtagumpay siyang kunin 'yon," Antok ka ba?" ngayon, nakadapa na sa sahig ang tatlong' yon.
Astiggg!
"WOW!!"komento ng karamihan.
" S-Sino ka? Bakit ba nangingialam ka? "palahaw ng leader ng mga nakaitim. Halata na ang kaba sa boses niya.
" Tssss... Susunduin ko lang naman sana 'yang kapatid ko, pero kayo ang dinatnan ko, eto at nanggugulo. " tinuro niya si Ninay at buong puso namang kumaway ang babae.
Masama ang tingin ng leader kay Ninay pero naputol na iyon ng pumagitna sa kanilang titigan si Jin.
" Tsk!" dinig kong singhal ng leader. Bahagya pa siyang natawa pero nag tunog sarkastiko na iyon. "Kunin mo 'yang kapatid mo at lumayas na kayo." inis ng sigaw ng leader. Maski ako ay napangisi dahil halata na ang pagkapikon sa boses niya.
Malakas ang naging pagtawa ni JD bago muling magsalita. "Ayoko nga. Bakit hindi muna kayo magpakilala?"
Yung leader naman ang siyang tumawa. "Para saan pa, wala naman tayong kailangan sa isa't-isa?"
"Para madaling magreport sa pulis." diretsong sagot ni JD.
Halata ang bahagyang pagkagulat ng mga nakaitim. Therefore, I conclude hindi sila kasamahan nung mga humarang sa amin nung nakaraan, hindi sila takot sa pulis. Napaatras sila ng kaunti at nagkatinginan. Sigurado akong nagpapakiramdaman na sila.
"Kung ganon ay hindi ka na dapat sikatan ng araw!" sigaw ng leader saka siya nag initiate ng pagsugod.
Iiling-iling siyang hinintay ni JD sa kinatatayuan niya, he's also pinching the bridge of his nose. Natatawa at nawawalang gana. Hindi rin nagtagal at nagkadaupang palad na sila.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.