JULIA AMARIS' POV
Sa kotse ako ni kuya sumabay dahil bigla akong natauhan. Nanginginig man ako sa takot, eh, hindi pa naman ako nawawala sa sarili.
Bat nga pala ako yakap na yakap sa taong 'yon? Hindi naman kami bati!
"Bakit naman nandito ka?"
"What do you mean?!" Pagtataray ko.
"HAHAHA ang aarte niyo."
Masama ang tingin ko siyang tinitigan. Medyo naguguluhan ako dahil hindi naman maganda mood niya kay Xian kahapon pa tas ngayon parang binubugaw niya ako bigla.
"Matulog ka para makapagpahinga ka habang byahe." Change topic niya bigla.
Napa-nguso ako at saka crossed arms na humarap sa labas ng bintana. Nagflashback nalang din bigla yung mga nangyari kanina.
How did I ended up in that pitiful situation?
Pag naalala ko kung sino yung mga yon ako mismo susugod sa kanila. Lintek lang ang walang ganti.
"Stop thinking too much. Ako na ang bahala sa mga 'yon. Sa ngayon, stay close to me or to Xian. Hindi ka pwedeng umalis mag-isa."
Hindi nalang ako sumagot.
Mukhang araw-araw na naman ako may buntot.
Napahinga ako ng malalim. Deep inside, para akong natutuwa.
Tsh! Stupid heart.
Napangiti ako at binuksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Masyado akong naeexcite. Ilalabas ko palang sana ang kamay ko ng biglang may sumigaw na akala mo may emergency na naman.
"Hoy ipasok mo nga yang kamay mo at isara mo yang bintana! Ang lamig lamig ano ba?!"
Napangiwi ako ng makita kung sino siya.
Pinantayan niya pa talaga ang kotse ni kuya at pagkatapos ay tinapik ang kamay ko papasok ng bintana. Nginiwian ko siya habang siya naman ay ngiting-ngiti na mukhang tanga.
Magsasalita pa sana siya pero sinarado ko na ang bintana. Nakita ko siyang ngumiwi kaya napangiti nalang ako.
Isip bata parin!
Dahil basag trip siya ay pumikit nalang ako at pinilit makatulog. Anxious pa din kasi ako. Pakiramdam ko nakagapos parin ang katawan ko sa malamig na bakal ng gate. Kinikilabutan ako at gusto nalang ulit umiyak pero nakakatulong sa akin ang presensya ni kuya para kumalma kaya pinilit ko nalang makatulog. Gaya ng utos ni kuya ay nakatulog nga ako.
~~~~~~
"Ate..... Ate...... Ate..... Ate....... "
Naalimpungatan ako ng dahil sa boses na paulit - ulit kong naririnig. Mahina at malumanay na akala mo ay nasa horror movie.
Sure naman akong hindi panaginip kaya tinuloy ko na ang pagmulat ng aking mga mata.
Nadatnan ko sa paanan ng aking kama si Denver. Nakatungo ang ulo niya sa kama ay nilalaro-laro sa isang kamay ang isang spinner. Hindi niya napansin na gising na ako dahil panay parin ang pagbulong niya.
"Ate.... Ate..... Ate..."
Hindi ko alam kung sisipain ko siya o ano, dahil nakakatakot ang boses niya. Pwede na siya mag audition bilang tiyanak sa horror movies.
"Stop it.." malumanay kong usal at agad kong nakuha ang atensiyon niya. Bumangon siya at gulat na gulat na tumingin sa akin.
"ATE?!!" malakas niyang sigaw.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomantikFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.