Chapter 5

37 12 0
                                    

Julia Amaris' point of view

" Cher, time na po! "

" Overtime na naman po kayo Cher! "

Sigawan ng mga kaklase ko. Itong teacher lang na'to ang kaya nilang ganituhin kasi mabait pero pag ibang teachers, tiklop ang lahat.

Liban sa isa diyan na feeling boss!

" Oo na! Oo na! You may take your break!"

Isa ako sa nagbunyi sa sinabi ng teacher namin. Wala na nga akong natutunan nakuha ko pang magdiwang. Tumayo na ako agad at kinuha ang bag ko sakto namang napatingin ako kay Xian.

Nanatili lang siyang nakatungo sa table niya na parang hindi nangangalay. Kanina pa 'yan parang walang pumasok na teacher dahil hindi manlang siya gumalaw sa pwesto niya.

Parang hindi nag-aaral, pumapasok lang. Sabagay same lang kami ang pinagkaiba lang ay gising ako at tulog siya!

" Tara na. Nagugutom na talaga ako. " Yaya ni Ninay.

Tinanguan ko lang siya saka ko itinuloy ang pag- sakbit ng bag ko. Napalingon ulit ako kay Xian na hindi pa rin nagbabago sa kanina niya pang pwesto.

Wala ba siyang balak na pumunta ng cafeteria?

" Woi tara na. "

Hinila na ako ni Ninay kaya habang hila niya ako papalayo ay nakatingin pa din ako kay Xian.

Ako ang nangangalay para sa kanya.

Nakalabas na kami ng classroom kaya nawala na siya sa paningin ko. Ilang sandali pa ay binitawan na ako ni Ninay kaya naman bumagal tuloy ang lakad ko.

" Baka pwedeng bilis-bilis? "

Napaawang lang ang itaas kong labi bago narealize ang gusto niyang sabihin. Kamot ulo akong naglakad kasunod niya.

" Ah oo. "

Binilisan ko ang lakad hanggang sa ako naman ang mauna sa kaniya at maiwan ko naman siya.

" Nasobrahan ka naman, napapano ka ba? "

Natawa nalang ako saka nagkamot ulit ng ulo. Mukha akong tanga sa ginagawa ko. Nakakahiya tuloy.

Napapano nga ba kasi ako?

" Tara. " Aya ko at huminto pa para hintayin siya.

" Tsh! " Singhal niya.

Hindi ko magawang maging madaldal dahil baka kung ano lang ang masabi ko at hindi ko yon gusto. Aaminin ko, tinatanong ko sa isip ko kung bakit hindi lalabas ng classroom yon si Xian. Hindi ba siya nagugutom?

" BABY! "

Nasa loob na kami ng cafeteria ng may marinig akong pamilyar na boses at tawag. Natigilan ako saka bahagyang nakiramdam sa paligid. Nakarinig ako ng mga impit at kinikilig na ingay, ibig sabihin may poging nilalang sa paligid.

Imposible ang nasa isip ko! Wala dito ang kuya ko!

" Aaahhh.!! " impit na tili ni Ninay.

Mukang hindi imposible!

Lumingon ako sa kaliwa ko kung saan nakatingin si Ninay. Si kuya nga ang loko. Nakatayo sa may pinto at nakasandal pa na akala mo supermodel.

"KUYA!" tawag ko sa kanya bago ako maglakad palapit sa kaniya. Nakangiti naman siyang kumaway.

" Luhhh?? "

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon