Chapter 43

22 5 0
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Magkasabay kaming pumasok ni kuya kaya hindi narin ako sinundo ni Xian or maybe it's the other way around. Baka sinabayan niya ako dahil hindi ako susunduin ni Xian.

' Who cares anyway? '

"Ingat!" tumango lang ako.

Naghiwalay na kami sa gate, sa kabila pa kasi siya.

Sa gate palang ay nagkakaingay na. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong pag nagkita kami ni Ninay ay malalaman ko rin ang dahilan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tumapat na ako sa soc hall. Halos patakbo kung pumasok doon ang lahat ng makita ko.

'Bang nangyayari sa mga' to? '

Dahil mukhang wala naman akong makakalap na impormasyon ay dumeretso nalang ako sa classroom. Mas maraming source doon.

"Hey!"

Pahakbang na sana ako pataas ng hagdan nang tawagin ako ni Gian. Hindi agad ako nakalingon dahil akala ko nagkakamali lang ako ng rinig pero....

"Juuuliiiaaaa...." Mahaba niyang bulong sa pangalan ko. Lumapit pa talaga siya sa tenga ko!

Humakbang ako paatras bago ko siya harapin. "Hi!" Magana kong bati. Nakataas pa ang kanang kamay.

Ngumiti siya kagaya ng palagi niyang ginagawa. 'Pero may kakaiba.' hindi ko maipaliwanag pero alam kong may kakaiba.

'Nalulungkot ka ba?'

"Good morning!" Nakangiting aniya. Halata namang nagkukunwari lang.

"Are you okay?" Direkta kong tanong.

Nagulat siya pero ayaw ipahalata. Nag-iwas siya ng tingin habang nagkakamot ng ulo.

"Gardenia?" Yaya ko sa kanya. Binalik niya ang tingin sa akin saka nakangiting nag thumbs up. Nginitian ko rin siya bago kami sabay na naglakad papuntang tambayan naming dalawa.

May mga nakakasalubong kami pero karamihan ay mga wala namang pakialam. Pinagpapasalamat ko na hindi mga avid fans niya ang nakakasalubong namin. Nakakapagtaka nga lang dahil may ibang mga students na bumabati sa akin.

'Anong meron?'

Hindi ko nalang pinansin. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Gian hanggang sa makarating kami sa pakay na lugar. Medyo basa pa nga ang damo dahil sa hamog. Medyo maaga parin kasi.

Pinagpagan niya ang upuan naming dalawa bago kami sabay na naupo. Hindi siya makahiga palibhasa medyo basa pa nga ang lugar. Nakatingin lang siya sa malagong dahon ng magandang puno na hanggang ngayon ay hindi namin alam kung anong itatawag.

'Puno ni Imaw?'

"Kumusta ka?"

Nagulat ako ng magsalita siya. Ako dapat ang nagtatanong sa kanya niyan pero bakit ako ang tinatanong niya?

"Yan ang gusto mong itanong?" dagdag niya, seryoso ang mukha akong nilingon.

Tinitigan ko siya. Hindi namin sobrang lapit sa isa't-isa pero kitang-kita ko kahit na ang iilang maliliit na tubo ng bigote niya.

'Stress nga siya dahil hindi na siya nakapag shave ayaw pa naman niyang nagkakabigote.'

" Kumusta? " Malumanay kong tanong sa kanya.

Sandali pa niya akong tinitigan. Hindi na ako naiilang kagaya noon pero hindi rin ako komportable. Ngumiti siya ng tipid bago mag-iwas ng tingin. Muli niyang tiningala ang magarbong dahon ng magandang puno.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon