Chapter 6

32 12 0
                                    

A/N:

Ulit, sorry po sa mga typos and ungrammatical errors.

Enjoy!!




Julia Amaris' point of view
 
  

Talagang tinotoo nila.

Hindi na talaga nila ako pakakainin ng madami.

Talagang ayaw na nila akong busugin.

Siguro may pinagkakautangan na kami ng malaki kaya kailangan na naming magtipid.

Baka mawawalan na kami ng bahay dahil ipangbabayad na nila sa utang namin.?

Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit nila 'to ginagawa. Pinakain nila ako ng pinakain dati tapos ngayon, pipigilan na nila akong kumain.

" Are you going to sleep na ba? "

" I'm going to die na! "

" HAHAHAHAHAHA!! "

Bwiset na kuya talaga! Panira ng gabi pati narin ng umaga!

Makatulog na nga lang baka sakali na magising ako ng madaling araw, makakain ng palihim!

Pero hindi naman ako makatulog.

Ano bang pwedeng gawin?

Kinuha ko ang cellphone ko saka nagbasa ng wattpad pero dahil wala naman update si Author, binitawan ko nalang phone ko.

Napansin ko naman sa study table ang syllabus ko. Ayos na ayos, parang hindi nagagamit.

Okay, maga-aral ako!!
 

*********
 

Ang sabi ko gigising ako ng madaling-araw pero nagising ako, umaga na! Anak talaga ng tokwa!

Gutom na gutom na ako. Gutom na talaga, sobrang gutom na. Ang unti kasi ng kinain ko kahapon, I mean ang unti ng pinakain nila sa akin!

Mabilis akong naligo saka nagbihis pagkatapos ay nagpunta na ng kusina.

As usual ay nandun na sila. Hindi talaga sila papayag na mauunahan ko sila sa kusina.

Nagkampihan ang mga loko!

" Good morning, baby. "

" Good morning Anak, halina't kakain na tayo. "

" Tipid tayong kakain? " Sarkastiko kong sabi.

" Hindi tayo nagtitipid. Ito'y para sa ating kalusugan at syempre timbang! Hahahaha!! " May saltik din tong tatay ko e.

Hindi na ko nagsalita pa at naupo nalang sa halip.

Kinacareeer nila ang pagkain sa umaga ng tinapay lang. Talaga atang ito nalang ang kakainin namin habang buhay tuwing umaga.

Nakakaasar!

" Seryoso na 'to? Eto na talaga 'to? Wala ng atrasan? Habang buhay ng ganito? " kunwari ay naiiyak na ako.

" Ha? "

Nakamaang lang sila habang may laman ang bibig at nakatitig lang sa akin.

Bahala sila.

Sa loob ng tatlong minuto ay naubos ko ang pagkain ko.

Tinignan ko ang pagkain nila gamit lang aking mata at hindi ginagalaw ang ulo.

Isang dakmaan lang yan may pagkain na ulit ako.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon