Julia Amaris' point of view
Sasabog na ako sa sobrang inis pero wala naman akong magawa.
Hindi naman kasi pinapansin nina Xian at Ninay at parang ako lang ang apektado.
Pinagtitripan kasi kami nitong mga ugok na kaeskwela namin. Hagis ng hagis dito samin ng kung ano-ano. Minsan basura at meron din namang malilinis na pagkain. Sa halip na magalit si Xian dahil obvious naman na siya ang target, eh, kinakain niya na lang 'yung mga pagkain pero mapili siya dahil yung mga unwrapped pa ang kinakain niya.
" Bilisan na natin tapos kaladkarin na natin siya palabas, tignan mo kasi oh! Muka na siyang mananapak. " Bulong sa akin ni Ninay.
Tiningnan ko si Xian at mukha na nga talaga siyang mananapak. Akala ko kalmado lang siya pero nagtitimpi nalang pala.
" Hoy transferee, laban! Boring mo! "
" Mukhang gangster ka naman, eh! Come here, fight me! "
" Masarap ba, Gusto mo pa? Sa basurahan madami pa! "
" Mahirap na gangster! Ang ganda ng buhok mo, san ka nagpakulay?! "
" Shit ! Sarap na sarap sa basura ah! "
Nilingon ko sila at tiningnan ng masama." What's with you all? Respeto naman sa nakain oh! "
Third year lang sila pero dahil alam nilang section 7 kami, eh, kinakaya-kaya lang kami. Mga under lang naman sila ni Gian.
" Ayaw nga namin! Twerk ka muna! HAHAHAHAHAHA!! "
WTF!!
Hinawakan ako sa braso ni Ninay. " Hayaan mo na kasi, wala namang makikinig sa mga 'yan."
Binilisan ko nalang na tapusin ang pagkain ko at ng matapos ay agad na kami tumayo.
" Tara na. " Aya ko.
" Tapos na kayo? " inosenteng tanong ni Xian.
" Ikaw, hindi pa ba? " Balik tanong ko din.
"Ano ba, pati ba naman kayo mag-aaway pa? Tara na lang! "
Bumuntong hininga si Xian bago tumayo kaya naman tumalikod na ako para sana mauna na paglakad kaya lang ay nagsalita pa siya, kaya hinarap ko siya ulit.
" Mauna na kayo. "
Hindi kami nakapagsalita ni Ninay sa halip ay nagkatinginan na lang kaming dalawa.
Hahawakan ko na sana sa braso si Xian, kaya lang ay nagpamulsa siya saka maangas na naglakad palapit sa mga lokong nangbabato sa kaniya kanina.
" Anong gagawin niya? "
" Hindi ko alam.............. "
Hindi naman siguro sila mag-aaway dito 'no? Baka mags-schedule lang sila ng away mamaya. Bakit ba kasi sinama-sama pa namin ang lalaking 'to?! Hindi na ata ako nagkaroon ng peaceful break.
" Oy lumalapit oh! "
" Woohhh!! Excited na ako! "
" Yabang oh! "
" I like his hair talaga! "
After a while huminto si Xian sa tapat ni Janny. The so-called auxiliary leader of the gang called Empire. Bakit ko alam? Syempre may kaibigan akong Ninay ang pangalan. She knows too much about gangs. Tsk.
" Trip mo ako? " tanong ni Xian ng makalapit siya.
Tinanguan siya ni Janny habang naka smirk. Tumayo na rin siya para magkapantay ang height nilang dalawa. Pareho silang nakapamulsa at nakatingin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.