Chapter 11 - Detention Room

39 10 2
                                    

JULIA AMARIS ' POV

*detention room*

Gulat na gulat ako pagpasok namin ng detention room.

At dahil sound proof siya, iisipin mo talagang tahimik sa loob pag nasa labas ka.

Uulitin ko.

Pag nasa labas ka.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Wow." Paghanga ni Ninay.

Hindi ko siya masisisi kung makakapagsalita siya ng ganiyan dahil kakaiba ang detention room ang nandito. Sa sobrang dami kasi namin ay nagmukha natong normal classroom. Malakawak nga lang kesa usual classroom.

Usually kasi pag pumasok ka sa detention room, isipin mo palang mad-dedepress ka na dahil tahimik at medyo madilim pero ang nandito ngayon ay maingay. Sobrang ingay.

Hindi sobrang liwanag. Puro book shelves lang ang nandito. Bukod sa mga kaklase namin, may iilang mga basagulero, at mukang malalandi ang nandito mula sa mga lower levels. Nandito dapat para magsisisi pero bat parang andito sila para magdiwang?

"Ang daming tao, potek." Si Xian na nananatili sa gilid ko.

"Ano bang naisip nun si Cher at pinapunta tayong lahat dito?" Napapaisip kong tanong.

"Bad trip." He really mean it.

Natawa ako ng konti.

Nakita na naming naka settle na yung iba naming classmates at may ibang nakikigulo narin sa may bandang gitna at malawak na space ng detention room. Hindi ko alam kung anong meron don basta nakapalibot sila.

Maya-maya ay may lumapit sa amin na magandang babae na may kulot na buhok. Bukas ang isang butones ng puting blouse niya habang ang black coat naman niya ay hawak niya sa kaliwang kamay niya. Nilalaro niya ang buhok niya na parang baliw. Papasa siyang nanay ni Crispin at Basilyo.

Tsss..

Hinila ko si Ninay para maupo kami sa isang gilid pero umalis siya at naunang maglakad dahil may sisilipin daw siya sa kabilang side. Nag stay naman si Xian sa pwesto niya dahil may kumausap sa kaniyang kapatid ata ni Medussa at living portrayer ni Sisa. Naglakad nalang ako magisa papunta sa kabilang corner dahil ang landi ng usapan nila. Naglakad ako nonstop without telling him. I want to sit and stay at the corner para walang aabala sa akin. I don't know why but suddenly I want peace. Baka dahil hindi pa ako nakaka adjust sa paligid. Kakaasar kasi ang ingay as in daig pa bubuyog iba't-iba ang topic at tono ng boses.

Tuloy lang ako sa paglakad habang nagdadasal na sana pumasok na yung detention teacher, para naman kahit papaano ay manahimik dito at bigyan na kami ng gawain. Hindi pa nagtatagal ay naiinip na ako. Gusto ko ng lumabas.

Habang naglalakad ay may humarang sa daan ko. "Hey lady." hindi ko siya kilala pero naaaninaw ko naman ang mukha niya. Tingin ko fourth year din siya na sa tingin ko from section D. Malayo palang ay amoy na amoy ko ng amoy sigarilyo siya.

I hate the smell of cigarettes the most!

Hindi ako nagsalita. Tinaas niya ang kaliwng kamay niya at inihiwalay ang hinliliit niya saka ipinasok sa tenga niya, nagkalikot doon saka iyon hinipan. Muli niyang ibinaba ang kamay pagkatapos ay matamang tumingin sa akin. Hinintay ko siyang magsalita ulit at hindi nga nagtagal ay nagsalita na siya.

"Bingi ka ba?" bumuntong hininga siya. Inangat niya ang kaliwang kamay niya at akmang ihahawak sa balikat ko.

"Don't you dare touch me with those filthy hands." I said without looking at him. I stayed staring at his hand na malapit ng dumampi sa akin.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon