Chapter 55 - WAR

26 4 5
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Nasa labas na ako ng school at hinihintay si Ninay. Hindi na rin kasi ako bumalik ng classroom kaya nandun pa siya.

"Siya' yon 'di ba?"

"Oo, huwag ka maingay."

"Scary."

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa bulungan. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero alam kong tungkol na naman sa akin dahil sa palingon-lingon nila.

Nakakabwisit... Mag tsitsismisan na nga lang sobrang pahalata pa. Sarap manampal bigla-bigla!

" Hoy, ano bang nangyari, bakit hindi ka na pumasok?!" bungad ni Ninay.

"Pasabay sa kotse mo, puntahan natin si Jin." saad naman.

Nagsalubong narin ang kilay niya dahil sa pagtataka. Alam kong nagugulihan na talaga siya.

"Nasa hospital ulit si Jin." kagat-labi kong sabi. Nanlaki naman agad ang mga mata niya at napataklob pa sa bibig niya.

"S-Seriously??"

"Tara!" Sabi ko nalang since wala na ako sa mood sagutin siya.

"Kanino mo nalaman?" Tanong niya pagkasakay namin ng kotse niya.

"Diyan-diyan lang." Walang pag-iisip kong sagot.

Agad niyang natampal ang noo niya at hindi na ulit nagtanong pa. Hindi ko naman alam kung bakit.

Sandali lang din at nasa hospital na kami. Mabilis kaming nag-unahan sa pagbaba kahit na wala namang mangyayari kahit magmadali pa kami dahil nakaratay na yung tao.

Pagkatapos magtanong sa nurse na naka post sa may harap ay agad naming tinahak ang daan papunta kay Jin.

Nagulat nalang kami ng makita ang iba naming kaklase sa labas ng kwarto.

'Aba' t paanong nauna pa sila sa amin? '

"Ang mga loko kaya pala wala sa klase." dinig kong bulong ni Ninay.

Hindi na ako nagtanong, ibig sabihin lang kasi, nag cut ng class ang mga loko kaya andito na sila.

Napansin naman nila kami kaya naman agad silang mga nagsi-iwas ng tingin.

' Mga ayaw ma-question ng mga loko.'

" Ano bang nangyari? Aksidente ba o intentional?" Tanong parin ni Ninay kahit na todo iwas ang mga kaklase namin. "Sige, walang sasagot huh?" Pananakot ni Ninay.

Si Juan lang ang lumingon. Agad itong lumapit sa amin na para bang bata na inagawan ng candy. Luhaan at para bang kanina pa umiiyak.

'Mugto na kasi ang mata!'

"Is everything's going to be alright?" parang nagmamakaawang tanong nito. Agad kong naalala si Denver, parehas silang talaga.

Hinaplos ko ang ulonan niya kaya't lumapit siya sa akin at saka yumakap. Hindi ko akalaing mas lalo pa siyang magiging emosyonal.

"He's still unconscious, ate..." humihikbing aniya. Niyakap ko lang siya ng mahigpit para pakalmahin siya.

Hindi ko din naman alam ang sasabihin. Narinig din ni Ninay ang bulong ng bata kaya naman halatang kabado narin siya. Lalo namang nag-iwas ng tingin ang iba pa, sa takot na matanong kung ano ba talaga ang nangyari.

Lalo namang kumulo ang dugo ko sa kadahilanang may naiisip akong tao na may pakana ng lahat ng ito.

'Kapag may nangyaring masama sa Bestfriend ko, humanda siya sa akin. Hindi ako magdadalawang-isip na banatan siya.'

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon