Chapter 42

28 5 3
                                    

JULIA AMARIS ' POV
    

Bumalik ako sa pwesto namin kanina para lang kunin ang bag ko at yayain narin paalis si Ninay.

Medyo nakaramdam kasi ako ng inis sa babaeng' yon!

Edi siya na ang maganda, mayaman, talented at sikat!

"Napaano ka?" Bungad sa akin ni Ninay. Hindi ko nga siya halos marinig dahil pana'y ang bati sa akin ng ibang students. Dahil hindi ko naman kung paano magreresponse ay pinipilit ko nalang na ngumiti.

"Tara na. Nagugutom na ako."

"Huh? Anong problema mo, eh, hindi pa naman tapos ang program?"

"Sige, bahala ka diyan. Aalis na ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Umalis na ako mag-isa at akala ko ay hindi siya susunod pero sinundan din naman niya ako.

"Saan kayo?" Harang sa amin ni Sam. Tinapik ko lang siya sa balikat at hindi na sinagot.

Naasar na nga ako dahil hindi ako pinansin ni Gian tapos naiilang pa ako kay Xian dahil sa pinag-iisip ko kanina habang nagsasayaw kami pagkatapos may babae pa na mukhang espasol!

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Pangungulit sa akin ni Ninay.

Sa locker kami dumeretso para iwan ang gamit namin at para makapag-palit narin ng damit.

"Sige, huwag mo ako kausapin. Hindi kita bibigyan ng chicka." Pananakot pa niya habang naka cross-arms at nakatingin sa malayo.

'Uhaw ba ako sa tsismis?'

Hindi ko parin siya sinagot. Hindi naman dahil ayaw ko kundi dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

" Si Gian patay na patay parin kay Yvonne. "

Sandali akong natigilan sa paghuhubad ng suot kong sando nang magsalita siya. Nasa loob ako ng cubicle habang nasa labas naman siya at nakasandal sa pinto.

Akala ko tapos na siya magsalita pero may kasunod pa pala at doon ako literal na natigilan.

" Si Yvonne... Patay na patay naman kay Xian."

Hindi ko na natuloy ang paghuhubad at nilabas ko na siya kahit na nakasando nalang ang suot-suot ko.

"Anong sabi mo?"

Pinagtawanan niya ako nang bonggang-bongga kaya inakala kong nagbibiro lang siya. Ilang beses akong umiling dahil nasayang lang ang effort ko at naabala lang ako sa pagbibihis.

"Hindi ako nagbibiro. Ayun ang narinig ko kanina habang nasa backstage kayo."

Papasok na sana ako ulit ng cubicle pero natigilan ako at muli lang siyang hinarap.

It's driving me crazy! Paanong...?

"Uy affected!" pang-aasar ni Ninay. Sinundot pa ako sa tagiliran. Tinampal ko ang kamay niya at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"I'm not." Mahina pero sinsero kong sagot.

"Hmm?"

Nilingon ko siya ulit. Nakataas na ang isang kilay niya sa akin. Pinagtatakahan ang isinagot ko.

"Bakit naman ako maapektuhan sa kanilang dalawa? Meron lang akong biglang naisip."

"Ano 'yon?"

"Kaya ba magkaaway sina Gian at Xian?"

Umawang ang ibabang labi niya. Mukhang ngayon niya lang na-realize.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon