JULIA AMARIS ' POV
Late na akong nakapasok ng sa klase mabuti na lang at hindi ako pinagalitan. Nakakatulong din yung hindi ka madalas malate, nakakalusot ka pag na late ka. Kakalahati ng ng lesson ang naabutan ko kaya naman hindi nagtagal ay natapos na rin ang unang klase para sa hapong ito. Umalis si teacher kaagad pagkatapos.
Tinanong pa ako ni Ninay kung bakit ako late pero umiling nalang ako. Hindi ko alam kung paano ikukwento ang mga nangyari. Sa gitna ng katahimikan ay tumayo si Sam at diretsong tumayo sa harapan.
"Woahh, ikaw president ngayon?" biro pa ni Harry.
Nagtawanan ang karamihan pero hindi ko nagawang makitawa. Pakiramdam ko ay may bagay akong hindi maprocess sa makitid kong utak. Naiinis na naman ako sa kanya. Hindi ko talaga siya kakausapin kahit kailan.
Pero yung coat niya ay nasa akin. Tsss.. Iwanan ko nalang kaya sa ibabaw ng locker niya? Hindi naman bastos yung ganon diba?
Nakamot ko ang ulo ko sa inis at gulat na gulat namang napatingin sa akin si Ninay.
"Huy napapano ka ba?"
"Naiinis ako!"
"Saan?"
"Hindi saan, kundi kanino !"
"HAHAHAHA!! hindi ko na tatanungin kung sino."
Kunot noo ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya at saka lumingon sa likod. Kilala ko kahit hindi ko lingunin kung sino ang tinutukoy niya. At nagkakaintindihan kami.
"Napagalitan yan dahil late na nga hindi pa complete uniform. Yun pinalabas ni teacher." Tatawa-tawa niyang bulong. "Nagkita kayo kanina 'no? Ano, nag-away na naman kayo?" usisa pa niya. Napairap ako sa hangin.
"Nakakainis kasi siya. Pinapamukha pa sa akin na hindi ako girlfriend ni Gian akala niya ata biro ang feelings ko at hindi siya marunong mag dahan-dahan sa pananalita." Busangot kong kuwento. Bahagya siyang natawa.
"Yun lang girl, tsh! Siya nalang ba lagi ang pag - aawayan niyo? Hays.."
Taka ko siyang nilingon. "Ano bang sinasabi mo?"
Nakangiti siyang umiling. "Wala.. Wala..."
Nginiwian ko siya saka akmang kakaltukan. Umilag naman siya agad.
"HAHAHAHA!!alam mo ba ka-text ko kuya mo kanina."
Mabilis akong umiling at maraming beses pa na umiling, kinawag-kawag ko pa ang kamay ko. "WALA AKONG PAKIALAM SA KUYA KO!!" malakas kong sigaw.
Natauhan lang ako ng matahimik ang lahat at sabay-sabay akong lingunin. Nagtatanong ang mga tingin nila pero hindi nagtagal ay sabay-sabay din silang nagsitawa. Napapahiya naman akong tumango pero pailalim na tiningnan si Ninay.
Kung bakit kasi hindi siya papayag na hindi isisingit ang kuya ko pag nag-uusap kaming dalawa.
"Isusumbong kita sa kuya mo ha!!" Sigurado akong si Jin iyon kaya nagsenyas ako sa dako niya ng isang kamao. Muli lamang nagtawanan ang lahat.
Nakakaasar.
"Wala ka naring pakialam kahit sa sarili mong kuya?"
Nakagat ko ang labi ko ng marinig ang tinig ng taong 'yon. Simpleng mga salita pero may laman. Alam kong ako lang ang naka-gets ng pang-aasar niya dahil alam kong tungkol sa pinsan niya ang sinasabi niya.
Hindi ko siya nilingon at hindi ko rin siya sinagot. Desidido na akong hindi na siya kakausapin. Kahit kausapin niya pa ako, kahit asarin pa niya ako, kahit tabihan o sabayan niya pa ako o kahit pumunta pa siya sa bahay namin. Wala na akong pakialam.

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.