Chapter 14 - Visitor

25 9 2
                                    

JULIA AMARIS' POV

Nasaan kaya yung ugok na 'yon?

Paglabas ng gym ay hinanap ko siya agad sa paligid pero wala na talaga siya.

Inaya pa ako nina Ninay papunta sa Cafeteria bago sana umuwi dahil nagugutom na raw talaga siya. Hinanap ko rin siya don pero wala parin siya.

I don't know why but I have this feeling na kailangan ko siyang makita.

What will happen once I see him? I don't know either. HHAHAHA gusto ko lang siya makita.

Papa autograph ako.

Hindi naman kami mag-uusap dahil sabi niya ay huwag na kami mag-usap kahit kailan. Masunurin naman ako kaya ayos lang.

Gusto ko lang siyang makita. Curious lang ako kung ano ginagawa niya. Nothing more nothing less.

"Oh ano na? Let's go?" tinanguan ko lang siya. "Pwede ba akong sumama muna sa'yo dahil maaga tayo ngayon uuwi? Magtataka mga tao sa amin pag umuwi ako ng maaga lalo na si Lola dahil asa bahay siya ngayon."

Nag-isip ako nang matindi. "Gusto mo lang ata sumilay kay kuya?" pang-aasar ko sa kaniya.

Sumilay ang nakakaloko niyang ngiti at saka nag puppy eyes.

Ew.

"Okay, fine! Basta bibili tayo pagkain dahil pareho tayong magugutom sa bahay!"

"OKAY! MY TREAT!!!" tuwang-tuwa ang loko.

Napailing nalang ako. Palagi naman talaga niya akong tini treat. Wala naman kasi akong panlilibre sa kaniya.

Nagtuloy kami palabas ng school. Nakita pa namin ang mga kaklase namin na hindi magkamayaw sa tuwa. Kulang na lang ata magpa catering sila tapos mag party-party. Nabitin sa party nila kanina sa detention room.

Ibang klase talaga!

"Oy girls san kayo punta?" Si Harry yan. Living Harry Potter, magician kasi siya. Pag may naiwan kang gamit sa room at nagkataon na nandoon siya bigla na lang mawawala. Minagic na kasi niya papunta sa bulsa niya. Hehe di ko pa na experience, try ko sometimes.

"Sa bahay malamang." Tamad kong sagot.

"Sama kayo sa amin. Bar tayo!"

Nilingon ko siya at tiningnan ng makamandag. "Joke lang naman HAHHAHHAHA" nagpatuloy na siya sa paglakad palapit sa mga kasama niyang kumag. "KJ!!" Habol pa niya.

"Loko talaga! Ke babata niyo pa! Try ko din kaya?" malakas na batok ang binigay ko sa kaniya. "Aray naman!"

"kung di ka rin naman isang ugok e!"

"HAHHAHA joki joki lang naman!"

Nginiwian ko nalang siya. "San tayo?"

"7-Eleven nalang"

Gaya ng plano ay nagpunta nga kami. Naabutan din namin doon ang mga babae naming kaklase na nakatambay lang naman at naga-ice cream. Sila yung Powerpuff girls ng classroom namin. Kung sabagay 9 lang naman kaming babae sa classroom.

Lumapit kami sa kanila kaya napalingon sila sa amin. Kumaway naman sila. Sila yung outcast kung tutuusin kasi sila-sila lang palagi ang magkakasama parang kami lang ni Ninay pero si Ninay kasi ka-buddy niya lahat. Ako ang dapat ang outcast pero somehow parang friends ko naman lahat kahit hindi ko madalas makausap. Smooth lang ang friendship namin.

"Darell kumusta report natin?" bati sa kanya ni Ninay na may kasama pang akbay.

"Ayun, inaanay na sa study table ko."

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon