Chapter 45

33 5 1
                                    

JULIA AMARIS 'POV

"He doesn't deserved all the praises!"

"Tsh! Adopted."

"I don't like him anymore!"

"Nakakahiya naman siya!"

Naglalakad ako ngayon papasok ng gate. Actually, kasabay ko si kuya kanina papasok dahil hindi na ako nasusundo ni Xian.

It's been a week now since kumalat yung tungkol sa pagiging ampon niya. Bale three days ko na siyang hindi nakakausap. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Nawala na ang galit ko sa kanya at napalitan nalang yon ng awa.

Wala naman sanang masama kung ampon siya pero ang ibang mga students ay grabe kung makapanlait at i-bully siya. Nakarating na sa mga nakakataas ang tungkol sa isyung ito pero wala silang ginagawa o sinasabi, patunay lang na totoo ang isyung kumakalat.

Well, everyone assumed.

Pataas na ako ng hagdan at nakita kong nakasandal na naman sa may pader si Gian. One week na siyang ganyan, palagi akong inaabangan. Minsan may dalang pagkain, minsan naman kung ano-anong tsismis lang.

Hindi ko naman maopen up sa kanya yung about sa issue nilang magkapatid dahil obvious naman na ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol don.

"Ano na namang pakulo mo?" Bungad ko ng makalapit sa kanya.

"Oy, good morning!" Bati naman niya. Tumango nalang ako bago huminto sa harap niya.

"So, ano nga'ng atin?"

"Uhh.. Papaalala ko lang sana yung about sa invitation ko sayo. Tonight na kasi yon." Seryosong aniya.

'Yung birthday ni Yohanne.'

"Ah oo, pinag-isipan ko na. Paulit-ulit ka ng paalala eh!" Biro ko sq kanya.

Mapa-text o personal, inuulit-ulit niya ang about don kaya hindi ko talaga nakalimutan.

"So?" Aniya na tinatanong kung ano nga ang desisyon ko.

"Okay, sama ako!" Pagpapasya ko.

Sasama ako pero hindi ako magpapaalam kahit kanino. Kinuntsaba ko na si Ninay, sinabi ko na sasabihin namin na mag overnight stay ako sa kanila. Nagpakabait ako kay kuya at tatay ng buong linggo para payagan niya ako at katulad ng plano, pumayag naman siya.

"Yehey! Thank you!" masayang aniya na may pagtalon pa. Muntik pa niya akong yakapin mabuti nalang at napigilan niya ang sarili niya.

Magsasalita na sana ako ng mahagip ng pang-amoy ko ang isang pamilyar na pabango. Palapit ito sa akin. Kaunti kong naipaling ang ulo ko palingon sa kanya.

Kinakabahan ako ng sobra!

"3 minutes left." Saad niya paglampas sa akin ni hindi siya huminto.

'3 minutes left?'

Nanlaki ang mata ko nang marealize ang ibig niyang sabihin. Mabilis kong kinuha ang kamay ni Gian kung nasaan ang relo niya at saka tiningnan ang oras. Sabay naming tiningnan iyon at pati siya ay nagulat dahil ang layo pa ng lalakarin niya pagkatapos ay three minutes nalang at time na.

"Bye, see you later!" Sigaw namin nang sabay.

Tumakbo na ako pataas ng hagdan at naabutan ko si Xian pataas na ng third floor.

'Ang bilis naman nito!'

Circular ang design ng building at nasa loob ang hagdan kaya kita niya akong paakyat narin kasunod niya.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon