JULIA AMARIS ' POV
Pag - uwi sa bahay ay naabutan ko si kuya na nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa laptop niya.Nag-intay lang kami ng halos kalahating oras doon sa tapat ng school tapos nandito na pala' yung napakagwapo daw naming hinihintay.
" Anong oras ka pa nakauwi?! " Bungad ko sa kanya.
Inosente niya akong pinagtaasan ng tingin.
" Hi baby! Kumusta araw? " Tatayo pa sana siya para yumakap pero inambaan ko na siya ng flower vase. " Tsk! " Singhal niya.
" Sinabi ko naman sa'yo kuya! Kung uuwi ka na, itext mo naman ako! Nag-iintay kami sa wala dun e! " Bulyaw ko sa kaniya.
Alam niyang palagi kami naghihintay sa kanya dahil tinetext nga siya ni Ninay. Minsan pumupunta siya kadalasan hindi.
" Hahahaha!! Ganon ba? " Mukang tanga niyang sabi. Nag make face ako sa inis ko sa kanya.
" Ah ganon ba?! " Panggagaya ko sa sinabi niya. " Hindi mo naman kasi ako iniintindi! Nakakainis ka! Alam mo namang may taong patay na patay sa'yo at laging gusto kang makita! Makisama ka naman! Akala mo ka napakagwapo! " Mahaba kong salaysay na ang loko ay tinawanan lang.
Nakaka-high blood 'to ah!
" Hahahahaha!! Next time, I'll text you na! " tatawa-tawa niya pang sabi bago ibalik ang tingin sa kaninang ginagawa niya.
Nginiwian ko siya ulit bago ako nagbaba ng gamit sa harap niya at kumuha ng pinaltok na kinakain niya.
" Hindi pa kasi ligawan! " Ungot ko pa, saka siya tinignan ng masama.
" Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Nasasaktan ako baby. " Usal niya habang nasa cellphone na ang tingin. Inirapan ko nalang.
" Tsk! Nasaan ba si tatay? Hindi pa ba nauwi, ha kuya? " Tanong ko ng puno ang bibig.
" Not yet. " Sagot niya.
Napanguso nalang ako saka nagpatuloy nalang sa pagkain. Nilaro-laro ko pa ang paa ko na sobrang ginhawa na ng pakiramdam dahil wala ng suot na sapatos.
Saan kaya nagpunta 'yon tao na' yon? Talagang may sinesekreto yung matandang 'yun samin. Ano kaya 'yon? Nac-curious talaga ako. Kapag nalaman ko kung ano' yon at hindi maganda, naku lagot siya sa akin.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni kuya " Kuya? " Panimula ko at hindi naman niya ako nilingon.
" Hm? "
" Alam mo ba kung saan nagpupunta yun si tanda? Ha? " Puno ng kuryosidad kong tanong.
Inalis niya ang tingin sa cellphone niya saka blangko ang ekspresyon akong nilingon.
Nag beautiful eyes pa ako.
Inalis niya ang tingin sa akin ng hindi man lang ako sinasagot bago nagpatuloy ulit siya sa kaka-kalikot sa cellphone niya. Nagsalubong na ang mga kilay ko dahil medyo nakakapikon na siya.
" Hoy? " Tawag ko ulit.
" Hindi. " Tamad niyang sagot.
" Eh? Baka naman ginogoyo mo din ako.? "
" Just stop asking. "
" Nagtatanong lang! Malay ko ba kung alam mo o hindi! Hindi niya sinabi kung saan eh, malay ko ba kung sinabi niya sa'yo at sa akin lang hindi! "
Hindi na siya nagsalita pa o pinansin man lang ako kaya naman masama ang loob kong pinagpatuloy ang pagkain.
Busy'ng - busy 'tong lalaking 'to! Ano din kayang ginagawa nito sa cellphone niya? Nitong mga nakaraan, palagi niyang hawak cellphone niya. Siguro may pinopormahan na nga talaga 'to. Naku kawawa naman yung bestfriend ko! Mukhang hindi ko na nga talaga matatawag na ate.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.