Chapter 29 - Villa III

43 7 4
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Nang makababa kami ni Xian ay dumeretso na rin agad kami sa mga kaklase namin. Yung iba ay gusto na agad mananghalian dahil excited sa mga lunchbox nila. Sinasaway naman sila ng ibang mas matured na mag-isip kaysa sa kanila. Karamihan naman kasi talaga ng magulo ay boys.

"Enough." pigil ko kay Juan na naghahamon na ng suntukan kay Mica. Buang talaga pati babae pinapatulan.

"Eh kasi Mommy!"

Tinuktukan ko siya sa bunbunan. "Ate!" suway ko sa kanya. Ang sagwa kasi ng Mommy.

"Aray ko! Mas masakit pa 'yung tuktok mo sa suntok ko eh!" reklamo niya habang himas ang bunbunan niya. Tinawanan naman siya ng iba.

"Matuto tayong rumespeto, hindi sa atin ang lugar na ito." Anunsyo ko sa lahat. Sumang-ayon naman sila kahit parang napipilitan lang kaya bahagya ng tumahimik ang buong paligid.

Nag setup na kami ng mga gamit. May mga rechargeable kaming ring lights at iba pang makapagbibigay ng liwanag wala kasing power supply dito. Ganon din ang mga cameras and syempre laptops. Si Samantha ang director at script writers pero tinutulungan ko rin naman siya.

Sina Jin at Mica ang nasa first scene kasama si Anne at kokoy. Binibigyan namin sila ng script pero hindi naman nila kailangan kabisaduhin ang mga iyon dahil magse-serve as guide lang naman nila 'yon. Inaalalayan ko rin si Ninay at kumukuha rin ako ng konting shots for narratives naman. Pati behind the scenes ay kinukuhanan ko.

Napadpad ang camera ko sa isang bukas na pinto na' di naman kalayuan sa amin. Hindi ko sure kung masters bedroom ba iyon o guest room or what. Hindi ko napindot ang shutter pero alam kong may tao doon kanina. Kinabahan ako ng sobra dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ni kuya bago kami umalis kanina.

Hindi mukhang babae ang taong nakita ko o kung tao ba talaga iyon. Hindi siya sa amin nakaharap kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Pumasok siya sa kwarto at likod lang niya ang nakita ko. Sa isip ko ay sinasabing totoong tao iyon dahil wala namang multo sa umaga at dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namamalayang kinakausap na ako ni Xian.

"Ano ba ayos ka lang?"

Aligaga ko siyang hinarap. Kunot na ang noo niya at talagang bakas na ang pag-aalala. May hawak na rin siyang bottled water at bukas na rin iyon habang inaalok niya sa akin. Mabilis kong kinuha iyon at saka tinungga, pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng tubig sa aking katawan. Muli kong tiningnan ang pinto at nagulat nalang ako ng biglang bumukas iyon at mula sa loob ay lumabas si Miyoshi, Pinoy at Limmuel. Nakasuot sila ng parang pang-farmers na halong brown at white kaya hindi ko sila agad nakilala.

Inaninaw ko pa silang mabuti at ng makumpirma kong sila nga 'yon ay napunasan ko gamit ang likod ng palad ko ang aking noo.

Kinabahan ako don ah!

Malakas ang naging pagbuntong-hininga ko. Nasa ganoong sitwasyon ako ng biglang tumawa ng sobrang lakas si Xian dahilan para mag echo sa buong bahay at matigil ang ginagawa ng lahat. Bahagya pa akong napaatras dahil sa gulat. Taka namin siyang tiningnan pero tila wala siyang pakialam dahil siya ay walang tigil sa kakatawa. Na-alarma ang lahat at naghinala agad na sinasapian siya. Ako mismo ay bahagyang lumayo sa kanya.

"WAHHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"Oh my... So totoo ang mga kwento?"

"He's being possessed!"

"Tara na sa labas, natatakot na ako!"

"Hindi naman totoo 'yung ganon!" kontra ko sa kanila.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon