Chapter 44

25 5 2
                                    

JULIA AMARIS 'POV

Kakarating lang namin ng cafeteria at nagulat nalang kami nang makitang may ibang section narin na nandito.

"Section 2?" panghuhula ko.

"Oo, bat nandito na sila?" Si Ninay ang sumagot.

Akala ko pa naman kami palang ang nandito!

"Subject teacher nila supposedly at this time ang groom ni cher kaya malamang free time din nila, kagaya natin!" Singit ni Sam. Hindi ko manlang namalayang kasunod namin siya.

'Bwiset na Xian kasi, masyado akong pinag-iisip!'

"Bakit nga pala iniwan niyo si Xian sa room?" Biglang tanong niya pa. Kahit wala namang dahilan ay nag-iwas parin ako ng tingin.

"Baka hinihintay pa break time nila Yvonne!" Si Jin.

"Bebe niya pala 'yon eh!" Singit naman ni Juan.

"What do you mean, eh, section 2 si Yvonne?"

Naibalik ko ang tingin ko kay Samantha.

' Section 2 si Yvonne? Bakit?'

"Oo, bobita kasi." asik ni Ninay. Nalipat ko sa kanya ang aking tingin.

"Ay bahala sila basta kakain na tayo!" Si Jin at hinila na kami papuntang sa table namin.

Nauna na akong umupo dahil pinaghila na ako ni Jin ng upuan. Katabi ko naman si Sam at Ninay. Sila Jin at Juan nalang daw ang bibili. Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Miyoshi.

" Pwede maki-share ng table?" Bungad nito. Tumango naman kami bilang pag sang-ayon.

Pero sa totoo lang gusto ko sana siyang kaltukan dahil hindi ako maka move-on na ambobo niya pala.

' Pinahamak niya si Xian! '

Umalis din naman siya agad para sununod kila Jin.

" Tingin mo ba, anong balak ni Xian? Do you think he's really into spy thingy?" Bigla ay tanong ni Ninay habang nasa nilalarong credit card ang tingin.

'Credit card ni Jin, kanya kasi ang pinagamit niya dahil baka bumagsak daw siya sa economics.'

"You think I know? Hindi pa kami ulit nag-uusap ng maayos since then." Sagot ko sa kanya.

Nung monthly eval naman kasi talaga ang huling usap namin ng maayos. Mula noon saglit ko nalang siya palagi nakakausap, hindi pa matino.

"I thought gawa-gawa lang yon ni Gian, why does it bother you so much?" Singit ni Sam.

Parehas namin siya nilingon ni Ninay. Dahil ako ang kalapit niya ay ako na ang bumulong sa kanya. Sinabi ko na totoong si Xian ang nagsagot ng paper ni Yoshi.

"for real?" tumango nalang ako. "What is he up to now?"

"Don't know, either! Ask him if you want." I answered as I shrugged my shoulders.

"No, thank you! He's such a snob!"

Tipid akong natawa sa sinabi niya. Hindi naman kasi snob yung tao. Paano ba nila nasasabi yon?

"Tawa ka, 'no?" Si Ninay. Nilingon ko siya kasabay ni Sam. "Sa' min lang kasi snob. Pagdating sa'yo akala mo sinapian ng anghel mula sa langit." Nakangiwing aniya. Naitaas ko ang isang kilay ko.

Nag-iwas nalang ako ng tingin. Palagi nilang sinasabi yan kaya napapaisip din tuloy ako.

'Bakit naman kaya siya ganon?'

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon