JULIA AMARIS 'POV
Hindi ako komportable.
Pakiramdam ko hindi ako' tong nakikita ko sa salamin.
"Julia?" Tawag ni tatay mula sa pinto.
"Lalabas na po!"
Kanina pa kasi nila ako hinihintay sa dining. After one week ngayon lang ako makakapasok. Ang dami ko tuloy tambak na homework.
'Lintek.'
"Abaaa sino ka???"
"Intruder!"
Napairap nalang ako sa kawalan. Hindi pa ako totally nakaka-recover pero pinapasakit na naman ng dalawang 'to ang ulo ko.
"Ikaw ba yan, Julia baby?"
"Kung nag-iisip ka, oo." walang gana kong sagot habang tinutusok ng tinidor ang hotdog.
Nilingon ko siya ng wala na akong marinig mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang medyo maluha-luha pa.
Ano na naman kayang iniisip nito?
"Huwag ka na ulit magpapaulan ha?" Bigla naman ay sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.
"Bakit, mas effective naman yung magkalagnat kesa magdiet ah?" biro ko.
"Tsh!" Asik ni kuya saka ako mahinang pinitik sa noo. Nahimas ko tuloy ang parteng iyon ng noo ko.
"Lalagyan kita ng payong sa bag mo." Singit ni tatay na ngayon ay hawak na ang bag ko at ipinapasok doon ang kulay pulang payong.
'Pula talaga?'
Tumango nalang ako dahil wala parin naman ako masyadong lakas magsalita. Nanghihina parin ako pero kailangan ko na talaga pumasok.
" Ihahatid na kita." presinta ni kuya, wala kasi daw siyang pasok.
Tumayo ako mula sa mesa saka pumasok pabalik sa kwarto ko dahil naiwan ko pa ang phone ko don. Habang nasa loob ng kwarto ay nakita ko ang kalendaryo na nakapaskil sa pader.
5 days to go before my birthday.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Parang nawala na kasi lahat ng excitement ko sa lahat ng bagay.
Mula ng gabi na'yon pakiramdam ko nabalian ako ng isang parte ng katawan ko.
Dalawang tao ang pinagdesisyunan kong pakawalan.
"Tara na, mal-late ka na." Tawag sa akin ni kuya.
Hindi na ako sumagot sa halip ay lumakad nalang ako palabas ng kwarto. Bitbit na niya ang bag ko at ang folder ko na lalagyan ng lahat ng mga activities ko na ipapasa ngayong araw. Inalalayan narin niya ako maglakad.
" Ingat kayo." Paalala ni tatay. Sabay kaming tumango ni kuya bago kami lumakad palabas.
Sabay naman kaming huminto sa tapat ng bahay ng huminto rin doon ang isang kulay itim na kotse. Pamilyar lang ang kotse pero hindi ko nasisiguro kung kanino.
"Hatid ko na kayo."
Si JD.
Nakailang kisap pa ako bago magsink-in sa isip ko ang nangyayari.
"Hi." Bati niya sa akin.
"Bakit nag-abala ka pa?" Tanong naman ni Kuya sa kanya.
"Gusto ko lang." Sagot ng kaibigan niya bago ito malawak na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.