JULIA AMARIS ' POV
Monday na ngayon at naghahanda na ako pagpasok sa school. Napaka-aga pa pero dahil malayo nga' tong bahay nila Xian sa school ay kailangan ko nang agahan ang pagkilos.
Dumaan ang sunday ng hindi ako lumalabas ng kwarto. Hinintay ko si kuya kahapon na makauwi dahil nga pag-uusapan namin yung tungkol sa gang niya pero ginabi naman siya kaya tulog na ako ng makauwi siya.
Ang ending hindi parin kami nakakapag-usap.
Ayos lang dahil confirmed ko na naman na kasali nga siya sa gang dahil doon kay Ryan na 'yon.
Ryaaan??
"Ryan??" Sigaw ko matapos mabutones ang uniform ko. Nasa harap nga pala ako ng vanity mirror pero napaka-kalat pa ng table kaya hindi ko narin muna ginalaw.
Naka-uniform na ako at talaga nga namang sobrang payat ko na.
Sa stress na ata' to hindi sa diet!
Nyemas ngayon ko lang naalala si Ryan. May usapan nga pala kaming magkikita ulit. I wonder kung pumunta nga siya sa meeting place dapat namin. Natawa nalang ako sa naisip.
"Naisip niya ba talagang makikipag-tulungan ako sa kanya?" usap ko sa sarili.
But on second thought, parang gusto ko na nga rin. Pero si Xian lang ang target hindi kasama ang kuya ko.
Bwiset kasi yung tao na'yon dahil hanggang ngayon hindi pa ako kinakausap o kinakatok man lang. Hindi talaga ako lumabas ng kwarto kahapon. Naiinis ako pag naiiisip kong makikita ko siya at kinakabahan naman ako pag naiiisip kong magkakasalubong kami ni Gian. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya.
Pero mas hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Miyoshi!
Dinner date, huh?
Lumabas na ako bitbit ang bag ko at isang blue na folder. Wala akong napansin na tao sa paligid kaya naglakad na ako papuntang living room. Pansin ko kasi na doon ka pupunta kung gusto mong malaman kung talagang may kasama ka ba sa bahay na'to.
"Ateeeee, long time no seee!!!!" napakahabang bati sa akin ni Denver. Nakaupo siya sa couch habang may kung anong ginagawa sa libro niya.
Long time no see? OA.
"Anong ginagawa mo?" Tamad kong tanong. Ayaw kong mamansin pero hindi naman tama na idamay ko siya sa problema ko sa mga kapatid niya.
"Assignment." nakangiti niyang sagot.
What?
"Bakit ngayon mo lang ginagawa?" Taka kong tanong.
"Nakakatamad ih." Walang gana bigla niyang sagot. Nangunot nalang ang noo ko.
Iba din trip niya. Ang haba ng weekend hindi niya nagawa ang assignments niya.
Aalis na sana ako papuntang kusina para tignan sana si kuya pero napahinto ako ng mapansin ang uniform ni Denver.
"Bakit hindi JIS ang uniform mo?" usisa ko pa.
"Huh?" aniya at tumingala sa akin. Natahimik siya at nakanguso na nagbaba ng tingin. "Hindi naman don school ko." malungkot na aniya.
Lalo akong nagtaka. Nilapitan ko siya na nakiupo sa tabi niya. Nakita ko naman ang logo ng school sa uniform niya. Isa iyong academy.
Catholic school.
Bakit naman naiba pa siya ng school? Halatang nalulungkot siya pero hindi ko naman matanong dahil halatang upset siya.
"Kumain ka na?" tanong ko nalang.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.