KILLERS 44

16 0 0
                                    

(Eos's POV)






"We need to make sure each and everyone's safety, kapag may pagsabog iwasan niyo lang muli ang mga iyon," dinig naming announce ni Cyan sa lahat.


Hanggang ngayon ay hindi na nila ginagamit masiyado ang system ng school dahil sa pagmamanipula ng kalaban na sinasabi ni Naya. Kaya naggawa rin sila ng panibagong system na gagamitin na tulad ng original para magawa pa rin ang mga gawain nila ng hindi nahihirapan saka para masigurong hindi na mapapakialaman ng kung sino ang system nila.


"At kapag may infected, kill them kahit pa iyong mga nakaitim," he continued at tuloy lang ang lahat habang nakikinig kay Cyan.


Tuwing 11:11 animo'y nagiging malaking arena ang buong DRU dahil sa gang fight na nagaganap. Walang exemptions, lahat kasali. But this time katulad noong nakaraang taon, its not gangster to gangster anymore, ngayon ay iba na ang kalaban namin.


Hinila ko na rin agad si Naya at Nyx sa tabi ko and Venus stays with Apollo. Habang naka-pwesto na rin kaming lahat.


"Eos? Okay lang ako," agad na angal ni Naya sa akin. "Gusto kong manigurado! Ayokong nawawala ka sa paningin ko Naya, nababaliw ako!" I said to her.


Napatingin na lang din siya sa akin dahil sa sinabi ko kaya nilagyan ko na siya ng posas, na agad niyang ikinagulat. Si Nyx ay ipinosas na rin ni Frion sa kanya at si Venus ang naglagay ng posas sa kanila ni Apollo.


"Para saan naman 'to?" agad na reklamo noong tatlo ng sabay-sabay.


"Para siguradong hindi kayo aalis at walang dukutan na mangyayari," sagot din namin sa kanila.


At napalingon na lang din kami sa likod ng magreklamo rin si Cielo at Helena. Nilagyan din pala ng posas ni Simon at Fredrick sina Cielo at Helena. At kasabay ng pagtunog ng kampana ay ang hudyat na simula na ang 11:11 pero hindi kami maglalaban-laban, sigurado kasi kami na magpapakita sila dito kaya naghahanda kami at hinihintay lang namin sila.


Hanggang sa mayamaya ay may mga pumagaspas na sa hangin, at sa langit ay kitang-kita ang mga itim na aninong dumadaan. Nandyan na sila.


"Andyan na sila! Laban!" Cyan said sa announcement habang nananatili kami sa pwesto namin at naghihintay ng pagsugod mula sa kanila.


"Laban mga kasama!" dinig kong hiyaw rin ni Fredrick sa sinundan ng mga kasama namin saka sila sumugod so I look at Naya.


"Eos hindi tayo makakalaban ng ganito, pinaliliit mo lang ang gagalawan nating dalawa lalo lang tayong mapapahamak. Makinig ka sa'kin, hindi ako lalayo sa'yo! I'll call you okay? Hindi na ako galit, binabawi ko na ang sinabi ko I'll call you, just get this off me!" Naya yelled pero hinaplos ko lang ang pisngi niya saka ko siya pinakatitigan. "Just do your best and I'll do the rest, trust me." I said to her saka ko siya nginitian.


"I trusted you once, twice, thrice and always Eos. Always, but this is not a good idea," she said again but I just smile at her again saka ko hinawakan ang kamay niya.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon