(Naya's POV)
Tahimik ang ilang araw naming pananatili sa dorm nila Sabrina, pero nakaantabay pa rin kami sa mga mangyayari. Masaya rin naman silang kasama at tahimik din ang ilang araw ko dahil hindi muna ako pumasok sa klase at sa office. Hinayaan lang din naman nila ako na gawin 'yon, at simula noon ay ngayon pa lang ako papasok sa klase.
Didiretso na lang din kami ni Helena sa room namin dahil naroon naman na ang iba pa. At ngayon ay magkakaklase pa rin kami nila Helena, Cielo, Nyx, at Frion at G12 na kami, sina Apollo, Simon, Fredrick at Joshua naman ay 1st year college na at kaklase pa rin nila iyong mga original na death schedule.
"Bye Miss Naya, ate Helena!" Pagpapaalam sa amin noong tatlo naming kasama sa dorm.
Ngumiti na lang din ako sa kanila at ganoon din si Helena saka kami lumakad. Humiwalay na rin sila Sabrina sa amin pagdating nila sa building nila at sinundo na rin sila noong magkapatid na sina Jervis at Jervin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa building namin at pagpasok namin sa room ay wala pa ang prof namin kaya naupo lang ako at lumapit naman agad si Helena sa kumpulan nila Frion, Nyx at Cielo.
"Kamusta kayo?" Dinig kong tanong ni Frion kay Helena. "Okay naman kami doon, tahimik naman ang ilang araw namin doon saka masaya, nakaka-relax nga eh," pagke-kwento ni Helena sa kanila.
"Sila Apollo kamusta?" Tanong muli ni Frion. "Okay naman sila, kasama naman nila sila Jervin at Jervis at sigurado ako na enjoy na enjoy rin ang mga 'yon," Helena answered again.
Hindi ko na sila pinansin at hinayaan ko na silang magkwentuhan. Natahimik din namansila ng dumating ang professor namin at nagsimula na agad ang discussion. I then focused my attention sa tinuturo ng mga teacher namin hanggang sa hindi ko na lang namalayan na lunch na pala.
"Naya saan tayo kakain?" agad na tanong sa akin ni Helena. "Sumabay ka na sa kanila, sasabay ako kila Joshua," I answered.
Hindi ko na rin hinintay ang sagot ni Helena at Iniwan ko na siya agad doon saka ako nagmamadaling pumunta sa office. Nagluto daw kasi si Joshua at niyaya niya ako na doon na lang daw kami kumain. Pumayag din naman ako kasi alam ko naman na maingay sa cafeteria.
"Ang bilis mo naman?" bungad sa akin ni Joshua at nagulat na lang din ako sa nadatnan ko sa office namin.
Hindi ko kasi alam na hindi lang pala kami ang kakain, buong SSC pala kami dito kasama si Cyan at Blue. Bullshit!
"Nasaan na sila?" Tanong agad sa akin ni Joshua na ikinakunot naman agad ng noo ko. "Hindi ko alam," sagot ko saka ako nagkibit-balikat.
Naupo na lang din ako malayo sa pwesto nila Eos kasama si Joshua. Himala, lang din na wala iyong dalawang bwisita nila Styx. Mayamaya ay tinawagan na ni Joshua iyong iba pa at kinuha ko naman agad ang cellphone ko para sana maglaro muna pero bumungad agad sa akin ang text ni Nigel. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...