(Apollo's POV)
"Naya? Kumain ka na!" muli kong hiyaw sa labas ng pinto ng kwarto ni Naya dito sa dorm 13 pero wala pa rin kaming narinig na response sa loob ng kwarto niya.
Ilang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto dito sa dorm 13 at hindi rin siya kumakain. Kapag binubuksan namin ang kwarto niya nakahiga lang siya at naiipon lang ang mga pagkain na hinahatid namin sa kanya. Tubig niya lang ang ginagalaw niya sa mga dinadala namin kaya dinadalhan ko na rin siya ng mga vita drinks. Pero ito lang ang unang beses na walang response mula sa kanya.
Ang alam nga ni Eos ay okay lang siya, kagigising lang kasi ni Eos kanina. Nagtamo si Eos ng saksak sa tagiliran mula sa mga alagad ni second, bukod pa doon ay puro siya sugat dahil sa pagprotekta kay Naya. Malalalim ang mga iyon, lalo na ang saksak na natama niya and he almost died loosing blood.
Hindi niya rin alam hanggang ngayon na alam na ni Naya ang nangyari sa kanya. Problema pa rin tuloy namin 'yon dahil siguradong malalaman din ni Eos ang lahat dahil galit si Naya. Ano ba naman 'yan? Binuksan na ni Nyx ang kwarto ni Naya kaya pumasok na kami sa loob, pero agad din kaming nagkagulatan at nagkatinginan dahil wala kaming naabutan sa loob.
What the hell? Nasaan na 'yon? Wala siya dito sa kama pati sa walk in closet at CR. What the hell? Lagot kami. Nagkatinginan kami ni Nyx saka kami agad na bumaba para hanapin siya kahit saan, pero wala talaga siya.
"Kamusta siya?" mayamaya ay tanong ni Helena na kadarating lang at kasama niya 'yong iba pa. "Nawawala si Naya," I answered at agad na bumakas ang pag-aalala kila Helena ng sagutin ko sila.
Lagot na talaga. Lumabas din agad kami at pinamalita sa mga kasamahan namin ang nangyari. Sinabihan na rin namin si Cyan tungkol doon at trinace niya agad si Naya pero hindi niya makita kung nasaan ang isang 'yon.
"Ayaw gumana ng tracker niya!" Cyan said to me in the call. "Malamang ginawan niya ng paraan para hindi niyo siya ma-locate." sagot ko sa kanya.
Ibinaba ko na rin agad ang tawag saka ako nagmamadaling umalis doon para hanapin siya. Pinaghahanap na rin naman siya noong iba pa sa buong DRU dahil baka naggala lang siya, pero I doubt that. Hindi niya tatanggalin ang tracker niya kung dito lang din naman siya mananatili. Bullshit! Hindi pwede 'to, baka malaman ni Eos na wala siya. At isa pa ay anong sasabihin ko kila Tito? Patay na talaga.
(Naya's POV)
Agad akong pumasok sa bilihan ng mga laptop para makabili ng mga gagamitin ko pagdating ko sa mall. I then scanned some specific item saka ko iyon kinuha para bayaran. I need this dahil alam kong by this times, alam kong alam na nila na wala na 'ko sa dorm. Kaya kaylangan kong bilisan dahil alam kong hahanapin nila ako, at bago nila ako mahanap, gaganti muna ako.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...