KILLERS 48

2 0 0
                                    

(Marielle's POV)







Dahil sa nangyari ay tuluyan ng isinara ng may-ari ang DRU, dahilan para mawalan ng tahanan at paaralan ang ilang estudyante na umaasa rito. Kahit ano namang gawin namin ay wala na kaming magagawa pa tungkol dito, nasa kanila pa rin naman ang desisyon ng lahat. At siguro nga ito ang mas makakabuti sa lahat, isa pa ay mas mabuti na rin siguro ito, mabuti na 'to para tumigil na sila sa pag-peste sa amin. Mabuti na rin ito para wala ng mga inosenteng madamay.


Sa ngayon ay sabay-sabay rin naming kinuha ang mga gamit namin sa DRU para tuluyan na itong iwan. We evacuated everything at wala kaming iniwan. Mami-miss namin ang lugar na ito, dito rin kasi kami nabuhay at tumira ng halos limang taon, ang iba ay bago pa lang, at ang iba ay higit pa. Kaya sino bang hindi makaka-miss dito?


Marami na rin ang nakaalis kahapon pa lang, at ngayon ay kaunti na lang ang mga umaalis pero lahat sila ay aalis din naman. May palugit din kasing ibinigay sa amin ang may-ari at in-advise rin kami ni Cyan na mas maganda kung maaga kaming aalis.


Ang iba naming gamit ay nailipat na rin lalo na iyong mga malalaki at ang kinukuha na lang namin ngayon ay ang mga naiwan. Sa ngayon ay pansamantalaga rin kaming titira sa isang residence nila Eos kung saan kami kasya. Marami kasi kami at doon kami inilagay sa pinakamalaki nilang mansyon. Kasama rin kasi namin sina Helios doon. At ang sabi nila ay papasok din kami sa school na pagmamay-ari nila.


Kaya kahit na ganoon ang nangyari, masasabi kong maayos na ang lahat dito kahit paano. Sabay-sabay rin kaming yumukod at nagbigay-pugay sa DRU pagdating namin sa gate bago kami lumabas. Ngayon ay tuluyan na talaga naming iiwan ang paaralang nagsilbi na naming ikalawang tahanan. Hindi na kami makakabalik, hindi na namin makikita ang huling lugar kung saan namin nakasama ang mga dati naming kasamahan.


Sisiguraduhin din naman daw ng may-ari na hindi na makakapasok ang sinuman sa DRU kaya sigurado kami na hindi na makakabalik sina Second dito, after all wala na rin naman silang babalikan dito. Sa pagkakaalam ko nga ay gusto ring bilihin ni Frion ang DRU sa may-ari nito pero naguusap pa sila ni Eos dahil kay Eos ang lupain ng Dark Village.


Muli ay nagsisakay kami sa mga sasakyan namin at tuluyan na kaming umalis, kaylangan din kasi naming magmadali dahil hinahanap pa namin si Second. Hindi kasi siya nasukol noong nakaraang linggo, at dalawang linggo na ang nakararaan matapos naming makasagupa ang mga tauhan niya. Maraming nasugatan sa amin pero napatay naman namin silang lahat maliban sa kanya, at sa ngayon ay pinaghahahanap pa rin siya.


"New school, new home, not new life." Natawa kami sa bati ni ate Ezra pagdating namin sa tutuluyan namin.


Kami lang ang narito at hindi na kami nasamahan nila Eos dahil busy sila pero nandito sina ate Selene. Busy pa kasi sina Eos, ang alam namin ay inaayos nila ang organization nila at ang paghahanap kay Second. Sina Naya nga ay gusto ko ng makita pero hindi naman namin alam kung nasaan sila. Sila Eos nga ay bihira rin naming makita.


"Nasan na kaya sina Naya?" tanong ko sa mga kasama ko.


Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon