KILLERS 38

1.6K 35 0
                                    

(Naya's POV)






Napamulat agad ako ng maramdaman ko na naman ang presensya na nagmumula muli sa bintana. Nakasarado ang kurtina pero nararamdaman kong nakatingin siya sa loob na animo'y pinagmamasdan kaming lahat kagaya dati. Hanggang sa mayamaya ay nawala na siya kaya bumangon na ako at kasabay ng pagbangon ko ang pagtunog ng alarm sa itaas na dorm na connected sa amin at kila Cyan. Kami lang din naman ang makakarinig noon at wala ng iba.


Kumuha rin agad ako ng armas at sinuot kong muli ang leather jacket ko saka ko iniipit ang buhok ko. Tinapik ko na rin sina Helena at nagising naman agad sila, saka sila naghanda para sa paglabas namin.


"Sabrina? back to business. Maiwan ang isa sa inyong dalawa kasama ni Sabrina para bantayan siya, at ang isa ay lalabas kasama namin. Guard the door and window, do you understand?" I said na agad na ikinatango noong tatlo sa amin.


Lumabas na rin agad kami ng kwarto at nagsuot na uli kami ng earpiece. Naiwan naman sa loob si Samantha at si Ariella ang sasama sa amin. Nadatnan din namin si Venus na nakamasid sa pinto at parang nakikiramdam doon, pero tiningnan niya lang din kami paglabas namin.


"May nagtangka bang magbukas?" Tanong ko agad sa kanya.


"Yeah," tipid niyang sagot at nakiramdam na rin kami sa pinto.


"Walang infected pero ang mga nakaitim na lalaki nandyan sila, nakabantay sila sa bawat pinto," dinig naming sabi ni Sabrina sa earpiece namin.


Nagkatinginan din agad kami dahil sa sinabi niya pero walang nagsalita. Baka naghahanap sila ng mga bagong biktima dahil inubos na namin ang mga infected na una nilang nabiktima. Sinenyasan ko na lang din ang mga kasama ko na magtago lang sa tabi para hindi kami masyadong halata and we didn't open the lights also.


"Nandito na sila, Naya." Mayamaya ay sabi sa akin ni Apollo sa earpiece.


"Dito rin sa amin." Halos sabay-sabay rin na sabi noong kambal na sina Shairene at Shailene, at nila Frion.


"Paparating na ang guards pati sina Eos at sina Helios, stand by okay?" sabad ni Cyan sa usapan namin.


"What the hell? Sinong may sabi na lumabas agad sila ng dorm?" Inis kong sagot kay Cyan.


"Ewan ko rin Naya," sagot sa akin ni Cyan na lalo kong ikinainis.


Napahawak din agad ako sa sintido ko at saka ako napatingin kay Venus na napakunot din bigla ang noo, marahil ay dahil din iyon sa narinig niya.


"Nawala na ang nasa pinto natin," muling sabi ni Sabrina.


"Lock the door, lalabas kami." utos ko kay Samantha saka ako naunang lumabas at pinaputukan ko agad ang mga nakaitim na lalaking nasa tapat ng ibang pinto.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon