(Naya's POV)
"Saan niyo ba 'ko dadalhin? Sino ba kayo?" hiyaw ko sa mga kumuha sa akin pero hindi nila ako sinagot.
Tahimik lang sila at dire-diretso habang kinakabahan na ako sa ginagawa nila. Napakabilis rin nila, hindi kami maabutan nila Eos. Shit! Anong gagawin ko? Pilit kong sinubukang tanggalin ang tali sa kamay ko pero hindi pa rin ako nagtagumpay kaya napalingon na lang ako sa sasakyan na humahabol sa amin sa likod.
Hanggang sa bigla na lang napatigil ang lalaking nagda-drive kaya bigla akong nahulog sa kinauupuan ko. Agad akong napa-angal at pakiramdam ko ay lalong dumugo ang ulo ko at lalo akong nahilo.
Hindi rin sila nagsalita, kaya mabilis akong tumayo at bumalik sa kinauupuan ko. Nakita ko na lang din ang dalawang lalaking bumaba sa nakaharang na sasakyan na nag-aaway. Nagtangka ring lumiko ang driver ng sinasakyan namin pero pinaulanan sila ng bala noong dalawa kaya napayuko agad ako. Bullshit!
"Safe and sound gago!" hiyaw ng kung sino kaya napatunghay ako. "Ikaw 'yon hindi ako!" hiyaw rin noong naka whole black na suot sa kasama niya.
Hindi na rin ako pumalag noong hinila na ako noong naka whole white na suot pababa ng kotse ng kumidnap sa akin. Iyong nakaitim naman ang nagtanggal ng tali ko, na lalo kong ipinagtaka pero nginitian lang nila ako. Anong gagawin nila sa akin? Sino sila?
"Tatapusin lang namin 'to, parating na ang tatay mo," sabi noong nakaputi saka niya ako pinaupo sa tabi ng sasakyan.
"Sino kayo?" agad kong tanong sa kanila. "Don't ask now," sagot niya kaya nanahimik na lang ako.
Pinatumba rin naman agad nila iyong mga natitira pa habang nakasandal lang naman ako sa kotse nila dahil dito ako iniwan noong naka-itim na coat. Tatakas na ba ako? Anong gagawin ko?
Napalingon na lang din ako noong biglang may mga dumating na sasakyan. Napalingon ako sa likuran ng kotse at nakita ko agad sina Daddy, saka ako napatingin sa harapan dahil dumating na rin sila Eos. Napatigil na rin naman ang dalawa sa ginagawa nila.
"Kanino namin siya ibibigay?" Napatingin ako sa nakaputi dahil parang may kinakausap siya saka ko lang nakita ang ear device nila. "Sa tatay niya." dinig kong sagot ng kausap niya na agad ding nakapagpakunot sa noo ko. I know that voice, its Cyan.
"Okay," sagot noong nakaputi saka sila nagmamadaling sumakay sa kotse nila at naiwan ako sa gitna ng lahat habang nakatali pa rin ang mga kamay ko.
"Paalam binibini," pagpapaalam nila sa akin saka sila dali-daling umalis.
"Naya? Anak?" Dad called me kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya and he hug me so tight.
Mabilis niya ring tinanggal ang tali sa kamay ko saka niya ako muling niyakap ng napakahigpit and I just cry in his arms. Akala ko ay hindi ko na sila makikita, akala ko ay mauulit na naman iyong nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...