(Naya's POV)
Napabuntunghininga na lang ako paglabas namin ng gate dahil sinalubong din kami ni Helios. He just smile at me kaya ngumiti na lang din ako sa kanya para ipakitang okay lang ako. Hinintay rin namin sandali sina Apollo dahil sa dorm nila Jervis sila mananatili, tinext naman na ni Helena sila Jervis about sa palabas namin at pumayag naman agad sila.
"Malay mo naman may makuha tayong impormasyon sa pakana niyo," Apollo said to us at natawa lang sila sa sinabi ni Apollo pero hindi ako.
Wala naman kasi akong sinabing sumama sila. Kaya lang mas okay na rin 'yon para naman hindi kahina-hinala ang gagawin namin, nasabi na nga rin namin kay Cyan ang tungkol dito, kaya paninindigan ko na 'to.
"Alam niyo gusto ko na lang bumalik sa dati ang lahat, iyong mga panahong death scheduler pa lang kami. Kahit kasi maiingay kayo mas okay sa akin ang ganoon, masaya naman. Kaya gusto kong bumalik sa dati ang lahat," kwento ko sa kanila habang naglalakad kami palabas ng dark village.
"Naya?" Tawag sa akin ni Helena na alam kong nalulungkot sa mga sinasabi ko kaya napalingon na lang ako sa kanya at tipid akong ngumiti.
"Gusto ko ring bumalik noong papasok pa lang kami ng academy. Gusto kong bumalik doon para baguhin 'yong ginawa ko, para hindi na lang ako tumuloy. Kasi alam niyo sa totoo lang? Hindi ko na kasi alam ang mararamdaman ko, pakiramdam ko ang sakit ng lahat, ang sakit sakit, hindi ko na kaya, and I felt numb. Wala na akong maramdaman at pakiramdam ko bawat paghakbang ko nasusugatan ako ng malalim, nasasaktan ako ng sobra kagaya ng kung paano ako nasaktan ng mamatay ang kambal," pagpapatuloy ko.
Tumigil na lang ako sa paglalakad at ibinagsak ang mga dala ko saka ko pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Agad din akong napahikbi dahil hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. At napatigil ako sa pagpupunas ng luha ng hilahin ako ni Helios palapit sa kanya.
"Ayokong tumigil ka dyan, gusto kong tumuloy ka, huwag kang bumalik, tumuloy ka Naya. Kasama mo kami, tumuloy ka hanggang marating natin ng sabay-sabay ang dulo at kung nahihirapan ka na, handa akong akayin ka, handa akong akayin ka Naya para kayanin mo, okay? Nakahanda kami palagi," Helios said to me na alam kong pinapalakas rin ang loob ko pero lalo lang akong naiyak sa sinabi niya.
Hinawakan niya rin agad ang muka ko gamit ang dalawang kamay niya saka niya ako pinakatitigan at nginitian.
"Ako rin, nandito kami handa akong maging tukod mo o saklay mo oras na nahihirapan ka na. Hindi naman kita pababayaan 'di ba? Its okay to let your guard down sometimes, we'll guard you," dagdag ni Apollo sa sinabi ni Helios and he hug me from my back.
"Naya kaya natin 'to hindi ba? Laban lang hindi ba? Walang susuko okay?" Helena also said saka niya rin ako niyakap and Helios just hug us.
"Jowa? Ako na lang ang mahalin mo," Joshua also said kaya niyakap ko na lang silang apat habang natatawa ako.
Nakakainis talaga sila nage-emote ako eh. Mayamaya ay tinapik ako ni Helios, kaya ngumiti na lang ako sa kanya saka kami bumitaw sa yakap. At mayamaya ay nagulat na lang ako ng may humila sa akin palayo sa kanila, it's Cyan.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...