KILLERS 7

2.3K 53 0
                                    

Simon Samonte above.

---------------------------------





(Naya's POV)



"Saan tayo pagkatapos nito?" Tanong sa akin ni Joshua paglapit niya sa amin kaya nginitian ko na lang din siya.


"Ewan ko sa kanila Joshua, ikaw saan mo gusto?" I answered at natawa na lang din siya sa sagot ko.


"Ang dami pa naman natin ngayon saka ngayon na lang ulit tayo nagkita-kita we should celebrate." Joshua said again. Nice! nagiging madaldal na siya.


"Oo nga dapat mag-celebrate tayo, ikaw talaga Naya gusto mong solohin palagi si Joshua." pangsang-ayon ni Cielo kay Joshua saka kami muling natawa sa kanya.


"Guys? Sa bahay daw tayo nila Naya sabi ni Mama." Apollo said kaya napalingon ako sa sinabi niya na nagtataka. Wait? wala namang sinabi si Mom sa akin na yayain ko sila.


"Bakit sa bahay? Ang dami nila oh, ayoko ngang maglinis ng kalat, sa bahay niyo na lang." Reklamo ko na tinawanan lang naman nila kaagad.


"Doon daw sabi ni Mama, gusto rin daw silang makita ni Lolo," muling sagot ni Apollo saka siya ngumiti sa mga kasama namin. "So ano? Tara na?" Apollo ask again.


"Tara na!" Hiyaw ni Fredrick saka sila naunang lumakad sa amin kaya napakamot na lang ako sa ulo kahit hindi naman makati.


What the hell? Ayoko pa naman ng bisita. Uutusan na naman kasi nila ako na I-entertain ang mga bisita na ayaw na ayaw ko ngang gawin.


"Joshua?" Tawag ko kay Joshua na agad naman niyang ikinalingon sa akin. "Dito ka na sa akin sumabay," I said saka ko isinuot ang sunglasses ko saka ako pumasok sa sasakyan ko at naupo sa drivers seat.


Agad naman siyang lumapit sa akin at sumakay sa sasakyan ko kaya umalis na agad kami. Si Apollo naman na ang bahala sa kanila, saka ang iba naman sa kanila ay alam na ang bahay namin.


"Ayaw mo ba sila sa bahay niyo?" Tanong ni Joshua sa akin na ikinatawa ko lang habang nagmamaneho.


"My mom will surely force me to entertain them, hindi ko 'yon gusto kaya ayoko," I answered at natawa na lang din siya sa sinabi ko pero mayamaya lang din naman ay tahimik na kami.


Binagalan ko lang ang takbo at nag-ikot ikot muna kami saka namin tinahak ang daan pauwi sa bahay, for sure naman ay nandon na sila. Hindi rin naman nagtaka at nagtanong pa si Joshua at game na game pa rin siya sa mga trip ko sa buhay.


Pagdating namin ay hindi nga ako nagkamali sa hinala ko nandito na ang lahat at parang may party sa bahay, ang daming pagkain. Dada, Mamu and Papu are here, even kuya Zeus and kuya Cronus.


"May party ba?" Tanong ko sa mga nasa sala ng bahay saka ko iniikot ang mata ko sa paligid. Napaka-ingay.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon