(Naya's POV)
Nasugatan si Ariella dahil sa pagprotekta niya sa bihag namin, kasalanan ko iyon dahil iniwan ko sila ni Blue kaagad. Hindi rin namin inaasahan na babalikan siya ng mga kasama niya at kinuha nila ang lalaking 'yon pagka-alis na pagka-alis pa lang namin, kaya ang ending wala na naman kaming napala. Kahit kasi patay na nilang kasamahan ay kinukuha pa rin nila. Sa CCTV footage naman ay wala ring makitang kahit ano dahil balot na balot sila.
Dapat kasi ay hindi ko na pinuntahan ang Eos na 'yon, hindi na sana mapapahamak si Ariella ay may bihag na sana kami kung nanatili na lang ako doon. Sana ay naprotektahan ko pa siya at ang bihag namin.
"Sorry talaga ate Naya," Ariella said to me habang nakaupo siya sa kama niya. Bakas na bakas rin ang kalungkutan at guilt sa muka niya.
"Its okay, stop that. Ang importante okay ka, ha?" I said to assure her at niyakap ko na lang siya para sabihin sa kanya na okay lang 'yon. Saka ako nagpaalam na aalis na, binabantayan din naman siya noong mga kaibigan niya.
"Bakit ba nakasunod ka kahit saan ako pumunta?" Inis kong tanong kay Venus na kasunod ko na naman pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng dorm noong tatlo.
"Oo nga! Ako na ang magbabantay kay Naya." dagdag pa ni Helena pero ngumisi lang si Venus sa amin.
She's a drop dead gorgeous ice princess kind. Who would not love her? At tapat siyang alagad at maaasahan. Iyon nga lang ay minamahal niya ang amo niyang alam niya naman na hindi siya kayang mahalin. Martyr din ang isang 'to eh.
"Hercules is with Master Eos, so why do you think I'm here?" sagot niya sa amin ni Helena.
"Si Apollo na lang ang bantayan mo," I said again. "Why would I do that?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"That's an order, galing 'yan sa isa pang amo mo. Saka kaya na namin ni Helena at Naya ang mga sarili namin kaya ikaw bantayan mo si Apollo. Hindi rin siya pwedeng mapahamak, he's more careless than us. He's also the downfall of this gang." Napalingon kami sa nagsalita sa unahan namin, its Nyx.
Natahimik lang din naman agad siya sa sinabi ni Nyx, at halatang-halata talaga sa kanila na ayaw talaga nila sa isat-isa. Isa rin 'tong babaeng ito na palaging nakabuntot sa amin.
"I'll trust you his life. Galing 'yan sa amo ng mga amo mo," dagdag ko pa para hindi na siya makaganti.
"Tsk! Kung hindi lang ako tapat sa tungkulin at kung hindi lang ako tumatanaw ng utang na loob sa'yo hindi ko gagawin 'to," mayamaya ay sabi niya.
Natawa na lang din naman kami ni Nyx at Helena sa sinabi niya, and we let her. So no choice naman pala siya? Iyan talaga ang hirap sa mga tulad nila, masyadong tapat. Humiwalay na rin naman agad siya sa amin dahil hahanapin niya na raw si Apollo. Ewan ko kung anong gagawin niyang pagbabantay pero bahala na siya, kami naman ni Nyx at Helena ay tumuloy na sa pagbalik namin sa office.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...