KILLERS 12

2K 56 0
                                    

(Naya's POV)








Pagkatapos ng messages nila ay itinuloy na lang din muna namin ang pagkain saka sila nagsaya and I'm just busy star gazing using my telescope when a familiar man came out of nowhere na ikinagulat ko rin.


"Happy birthday!" Nanlaki agad ang mata ko when I saw Cyan and Blue saka ko sila agad na niyakap.


"Bakit nandito kayo at wala kayo sa video?" nagtatakang tanong ko sa kanila pero nagkatinginan lang sila sabay kamot sa mga ulo nila pareho ng mameywang ako sa harapan nila. Dahil sa inasal nila ay natawa na lang din ako dahil para talaga silang kambal.


"Hindi kami invited, pumuslit lang kami para magbigay ng regalo at batiin ka. Kaya lang wala na raw kayo sa hotel kaya hinanap namin kayo and hinayaan naman kami na makapasok dito," Napakunot ang noo ko sa sinabi nila saka ako napalingon sa parents ko na nakatingin lang din sa amin.


"Who say's that?" I ask saka ko hinila ko 'yong dalawa palapit sa kinaroroonan noong iba pa.


"Ano gano'n na ba talaga ngayon Naya? Kapag sila ini-entertatain mo kapag kami bahala na kami sa buhay namin?" agad na reklamo sa akin ni Nyx pero hindi ko na siya pinansin.


"Mom? Dad? Dada? I want you to meet Cyan and Blue, although you probably met them before. Sila ang may malaking itinulong sa amin sa lahat sa DRU," pagpapakilala ko sa dalawa sa family ko saka ko sila nginitian.


Napatingin sa akin ang dalawa ng sabihin ko iyon and Mom, Dad and Dada look at them also, tapos niyakap sila ni Mom at Dada at tinapik naman ni Dad ang mga balikat nila.


Hinayaan ko na lang din silang mag-usap sandali pero mayamaya lang din ay nagpasalamat na sila Mom and Dad saka inasikaso ni Mom ang dalawa para makakain na.


"Cyan? Blue bakit ngayon lang kayo? Malapit ng matapos ang kasiyahan ah, hindi namin kayo ma-contact. Bakit gano'n?" Salubong sa amin ni Apollo kaya tiningnan ko lang ang dalawa na agad nilang ikinatawa.


"Don't tell me ayaw niyo lang talagang pumunta?" I ask at pinaningkitan ko sila ng mata pero natawa lang naman sila.


"Apollo? Samahan mo na silang kumain. Mom si Apollo na ang bahala sa kanila," I said again. "Sasamahan ko na sila anak, ako na ang bahala." Mom answered.


Hindi ko na lang din naman sila inabala pa and I just waited for the last group na himala ring pinapasok dito sa residence. Maybe its Dad.


"Ano? Wala talaga kayong balak? Matatapos na ang gabi na 'to ah?" Sermon ko sa mga huling dumating habang naka-cross arms ako pero natawa lang naman agad sila sa akin.


"Naya? Ang ganda mo ngayon, nice ha!" Bati sa akin ni Cholo na ngayon ay ang kanang kamay na ni Helios.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon