(Naya's POV)
"Anong sabi sa meeting?" Tanong ko kay Frion ng makausap ko siya and he just sigh at me. "Its all about the venom X, Naya. At ang gusto ni Mr Alonzo ay hanapin namin ang mga antidote carrier na hinahanap ni second." Frion answered saka siya napabuntunghininga.
"How did they know that? Paano nila nalaman na may antidote?" Takang tanong ko sa kanya. "Ayon sa kanya they did research and investigations, at gusto niya na 'yon ang gawin para matigil na daw ang mga 'yon sa kalokohan nila." Sagot muli ni Frion.
"I doubt that," sabad ni Apollo sa amin, and I doubt that too.
The intentions, kung paano niya nalaman ang mga bagay na 'yon. I doubt everything about that.
"Off course we doubt that, hinding-hindi namin kayo ipagkakatiwala sa organization na 'yon at isa pa kilala na namin sila 'no." Mayamaya ay muling sabi ni Frion.
"Wala ba kayong nakuhang impormasyon?" Helios then ask him. "Aside from that fact about venom x and second invading the killers ground, wala ng ibang nabanggit si Mr Alonzo maliban sa pagpapahanap niya sa antidote. Wala rin siyang nabanggit kung posible bang nasa killers ground si second." Frion answered.
"It was really obvious na killer rin si Second at baka mamaya si Alonzo pa ang second na 'yan o kaya ay kilala nila si second." Sabad ko sa kanila.
"Malapit ko na ring isipin ang bagay na 'yan, Naya. After all he's powerful he can do that and he can be second." Frion agreed at natahimik kami ng panandalian.
Lumalapit ka na talaga second. Totoo ka talaga, malapit ka na at malapit na rin naming malaman kung sino ka. Gagawin namin ang lahat makilala ka lang.
"I'm also not convinced sa mga gusto niyang mangyari." Mayamaya ay sabi ni Frion.
"At hindi rin ako kumbinsido sa meeting na 'yon, parang nagsayang nga lang din tayo ng oras doon." Helios agreed at lahat kami ay napalingon kay Helios. Ako rin, iisa kami ng iniisip.
"Iyong gusto nilang ikulong tayo doon kasama ng mga infected doon pa lang ramdam ko na na gusto nilang ma-infect lahat ng naroroon." Sabad kong muli sa kanila.
"Tama ka Naya," sabad din ni Joshua. "Dahil kung makabubuti ang intensyon nila noong una pa lang sana ay naalarma na sila sa nangyayari."
"Exactly, and they seems to know that it will happen and it seems that they are already expecting that thing." Dagdag ko sa sinabi ko at sa akin naman sila napatingin dahil doon.
Marahil ay iniisip din nila ang sinabi ko. Hanggang sa mayamaya ay napatigil kami sa paguusap-usap namin dito sa library ng may kumatok sa pinto, sino kaya 'yon?
"Ah guys nandito na sila Eos," dinig naming sabi ni Fredrick sa pinto kaya lumabas na kami ng library.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...