(Naya's POV)
Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko ang kakaibang presensya sa bintana na biglang nawala. Bumangon din agad ako para tingnan iyon pero wala namang tao. Patay ang ilaw sa kwarto pero maliwanag ang buwan at naaaninagan nito ang kwarto kaya napansin kong wala rin si Helena sa higaan niya.
Hindi ko na binuksan ang ilaw at dahan-dahang lumabas, at nakita ko si Helena sa pinto habang nakamasid lang siya doon. Bigla rin siyang lumingon sa akin, sabay buntunghininga ng makita ako, nagulat siguro siya.
"Ilang gabi nang may pilit na nagbubukas ng door knob natin, buti na lang may double lock tayo," bulong niya sa akin kaya nakinig din ako sa labas.
Nakakarinig ako ng mga yabag na naglalakad sa pathway. Sino kaya sila? May gising pa ng ganitong oras? Hindi allowed na lumabas ang kahit na sino ng ganitong oras.
"Stay here," bulong ko sa kanya at bumalik ako sa kwarto saka ako sumilip sa bintana.
Tinitingnan ko ang kabilang building kung mayroong tao doon pero malayo na masyado ang building kaya hindi ko masyadong matanaw. I then texted the twins para magtanong sa kanila, at nagbabakasakali rin ako na gising sila. Gising kaya sila? Hanggang sa mayamaya ay may nag-reply sa akin kaya agad ko iyong binasa.
'Oo may nagbubukas ng door knob namin, ilang araw nang ganoon pero buti na lang may double lock kami sinunod namin ang sinabi mo.' Text ni Shairene sa akin.
Nananatili naman akong nakamasid sa bintana habang kausap ko siya, kaylangan kong makakita ng tao. At buti na lang lahat ng dorm ay pasimpleng nilagyan ng double lock para sigurado, at nilagyan ng hidden CCTV camera sa bawat pintuan kaya kitang-kita kung may nagbubukas o hindi.
'Pakinggan niyo kung may tao sa labas' Reply ko muli sa kanya.
'Meron nasa pinto ako, nasa kwarto naman si Shailene.' Reply niya sa akin kaya nagmasid lang muli ako at naghahanap ng tao.
Tinext ko na rin sila Apollo dahil gusto kong malaman kung may ganoon sa kanila at gusto ko ring malaman kung safe ba sila.
'Oo insan, may nagbubukas ng mga lock sa pinto namin kanina at may naglalakad sa labas.' Reply niya rin sa akin.
Nagising din silang lahat dahil doon, at pare-parehong nangyayari ngayon ang weird na pangyayaring 'to. Tinext ko rin agad si Cyan tungkol dito at sinabihan ko siya na panoorin niya ang footage ng hidden cam sa pinto ng bawat dorm.
'Estudyante ang nagbubukas ng mga dorm, mga nasa sampu sila.' Reply niya sa akin. Gising pa siya?
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Misterio / SuspensoKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...